I have an irrational fear of cockroaches. Most especially the flying ones. Feeling ko, meron silang extra-sensory perception para lapitan ang nararamdaman nila na takot sa kanila. They can sense that fear, and go right at you. They're that evil.
At sa mga ganung pagkakataon, naglalaho ang mga natutunan ko mula sa karate training (I got the blue belt before I stopped, namahalan na kasi ako sa bayad per session), at ang techniques na nakuha ko from practicing boxing (muli, nag-stop ako ng i-require ng gym na i-advance na ng 3 months ang bayad namin).
In short, I turn into a shrieking, panicking mushroom whenever I see a cockroach.
Kaya kanina, habang nag-papakulo ako ng tubig sa takure, nagulat ako nang may makita akong baby ipis na abalang-abala sa paghahanap ng lugar sa takure na hindi mainit. Tulog na yung mga tao sa bahay, at nasa galaan pa ang kapatid kong official ipis slayer ko.
So, to conquer my fear while thinking how to kill the damn baby ipis, I was singing:
How do I kill you ipis?
I want to know
How do I kill you ipis?
If you ever go
How can I let you ever survive?
How do I
Oh, how do I kill..
Medyo obvious naman siguro kung to the tune of what song ko 'yan kinakanta.
Erm, back to the ipis-slaying task, dahil nanghihina na siya dun sa ibabaw ng plastik na bahagi nung takip ng takure, kinuha ko yung baby walis tambo namin (dahil baby ipis siya?). Tapos pinalis ko siya papunta sa likuran ng kalan. Gumagalaw pa, pero mukhang mahina na siya. Pagkatapos kong i-snatch yung mga scotch brite na nasa paligid niya at nilagay ang mga iyon sa mas safe na lugar, doon ko na sinimulan ang aking grand plan: ang i-spray-an siya ng Baygon. Muwahahahaha..hah.
After ng isang spray, nakapagtago pa siya sa ilalim ng stove namin. Tapos nag-try siya lumabas. Na-spray-an ko siya ulit. Balik ulit siya sa ilalim. Ikot-ikot siya dun (sinisilip ko siya but I was a meter away, hehe) tapos nung lumabas siya ulit at ini-spray-an ko ulit, bumalik siyang muli sa ilalim, and it was then, that the baby ipis breathe its last.
The end.
Sunday, August 23, 2015
Sunday, August 16, 2015
Makulay na Mundo ng Lesbians
rainbow flag image from kottke.org |
Napabalik akong bigla sa makulay na mundo ng mga L sa LGBT dahil sa isang pangyayari sa school.
Short review ng mga kulay ng Ls (ayon kay G, isang dating katrabaho sa call center kung saan ako nagtrabaho bilang recruitment specialist):
Blue - sila yung mga bihis lalaki at kilos lalaki na lesbians; yung stereotype na alam ng marami kapag sinabing tomboy ang isang babae
Pink - tomboy, pero hindi halata kasi girl pa rin sila pumorma at kumilos; kapag magkarelasyon ang dalawang pink, aakalain mong mag-bestfriend lang sila, pwera na lang kung magki-kiss talaga sila sa harap mo or overly PDA talaga
Purple - bisexual; parehong naa-attract sa babae at sa lalaki
Kapag naman straight yung girl 'white' yung kulay nila for them (us).
Napa-post ako ng ganito dahil, sabi ko nga, may nangyari kasing 'something' sa school.
Yung PE teacher kasi namin, obvious na 'blue'. Maski students, halatado siya. Kilos lalaki, halimaw sa football, pati porma. Pero walang issue sa kanya ang ultra conservative naming institusyon, medyo malakas kasi siya sa taas; favorite sport kasi ng founder namin ang football. So, no questions about her sexual preference basta nagagawa naman niya yung trabaho niya ng maayos.
Kaso, napansin ko lang lately, na nilalandi niya ako. Lalo na nitong nagsimula kaming magpaturo sa kanya ng football ng dalawa pa sa co-teachers namin.
Kesyo chicks daw ako, seksi, date daw kami, etc. Although she makes sure naman na walang mga bata na nakakarinig sa kanya.
At dahil hindi naman ako aabot sa edad ko na walang boypren kung hindi ko talent ang mang-deadma sa mga hindi ko trip (ang yabang ba? pasesnya na), pasimpleng pambabara/pang-aasar na lang ginagawa ko sa kanya.
Only to find out, na kaya niya pala niya ako nilalandi kasi pinapagselos niya si M, yung resident clown/science teacher/henyo kid namin.
Pano ko nalaman? Nagpa-counseling session kasi si M sa 'kin nung Friday, after namin mag-football practice. Confused daw kasi siya, dahil nag-kiss sila ni Miss PE. And she liked it.
Konting background kay M: She graduated from college at 18, na-accelerate kasi siya when she was younger. A nerd in school, typical na high IQ, low EQ siya. Siya man aminado, hindi niya nga daw kaya bumasa ng expression ng ibang tao. Baby siya ng faculty room namin. And last Friday, hindi ko alam kung matatawa o maaawa sa kanya.
Nagkwento kasi siya ng times na nagma-mall sila ni Miss PE nang silang dalawa lang, magka-holding hands pa. Tapos minsan, naiwan pa sila sa bahay ni Miss PE ng silang dalawa lang, tas nagpamasahe siya kay Miss PE. Then after sometime, bigla niyang tinanong si Miss PE out-of-the blue: "Tomboy ka ba, Ma'am?"
Ayon. HINDI NIYA PALA ALAM NA LESBIAN SI MISS PE. Grabe. Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko nung kinuwento yon ni M. Akala lang daw niya, boyish si Miss PE dahil nga, PE teacher siya. Kaloka diba?
So to cut the story short, nagpa-process si M sa 'kin, and I tried my best to answer her concerns regarding homosexuality (nabanggit ko na ba dito na clinical psych ang course ko nung college? kaya feeling nila dun sa school ako ang resident psychologist nila dahil wala naman kaming budget for a guidance counselor). I also probed more on where she was coming from. At the end, I concluded that M was just sooo naive, and Miss PE was the expert wooer.
Nagliligawan na pala sila, hindi ko alam. I take pride pa naman of being observant. In fairness, hindi ko nahalata 'yon. Akala ko kasi, sa 'kin may gusto si Miss PE. Yun pala... Ginamit. Lang. Niya. Ako. Hah!
Naalala ko tuloy sina G, XK, O, at iba pang blues and pinks na nakilala ko noon sa recruitment office ng call center na pinagtabahuhan ko. Iba yung mundo nila. Makulay talaga. But more about them some other time.
Magpi-prepare pa kasi ako ng ile-lesson para bukas.
Labels:
counseling sessions,
pink stories,
pumapag-ibig,
work issues
Monday, August 3, 2015
Sino si Bob Ong? (Part 3)
My blog posts
about the real identity of 'Bob Ong' remain to be two of the top posts of this
den. Wala namang nagko-comment if they agree or not, pero dahil view-whore ako,
I'm writing a third one, para best-selling trilogy ang drama. Chos.
Anyhoo, nang matapos kasi namin ng students ko ang pagbasa ng ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (BO), nag-promise ako sa kanila na papanoorin naman namin yung movie adaptation ng book, which starred Jericho Rosales (as BO) and Andi Eigenmann (as Special Someone). Andun si Vandolph as 'Ulo', at si Meg Imperial as 'Portia' --isang karakter na tibo na wala sa original na book.
(Aside: dahil walang pambili ang mga estudyante ko ng libro, at wala din naman akong pambili ng 38 na kopya ng ABNKKBSPLAko?! Eh pino-project ko na lang ang isang piratang PDF nung book sa projector namin, para mabasa ng lahat. Sorry po, gods of literature. End aside.)
The kids enjoyed the book, dahil una, naka-identify sila dahil tungkol sa school blues, hues, and issues dun. Tapos conversational pa yung language, at benta sa kanila yung humor. Tawang-tawang-tawa sila dun sa part na napatae yung character sa libro (this part written in 2nd POV) habang nasa classroom at may isang kaklase niya ang humirit ng: "Teacher, tumae po siya!" (Speaks of the humor my class has, 'no?)
The movie had a different charm for my students though. They were laughing at the lines, comedic timing, and flash dancing of the actors. I think the medium was more effective for them. Personally, I was bored watching the movie adaptation. Mas gusto ko yung naging reading experience ko with the book. Para kasing... Hindi naging madulas yung story telling sa movie. It wouldn't grip you hard to watch it up to the very end. Given na wala naman talagang linear na storyline yung libro, kaso... It really didn't work out for me. No. Na-ah.
Now let me go to the reason kung bakit 'Sino si Bob Ong' ang title ng post na 'to. If you've read (Beware: Shameless plug ahead) this and this, you'd know that I have this grand theory na si Prof. Joselito delos Reyes ng UST at si Bob Ong ay iisa.
At sa panonood ko ulit ng movie version ng ABNKKBSNPLAko?!, it sealed the deal (at least for me) na tama ako sa teorya ko.
Exhibit One: nabanggit sa book ni Sir Joselito delos Reyes na iStatus Nation ang tungkol sa kagustuhan ng nanay niya na kumuha ng education, pero hindi yun natupad, kaya sa kanilang magkakapatid na lang ipinasa ng nanay nila ang pangarap nitong maging guro. It was PNU (Philippine Normal University; ang official school for teachers ng Pilipinas) or nothing daw para sa kanilang magkakapatid. Sa bahaging iyon ng iStatus Nation ay nagbigay pugay din si Sir Jowie noong Teacher's Day sa mga nangarap maging guro. At doon nga niya in-example ang nanay niya, na nakamatayan nang hindi nakita ang pag-graduate ni Sir Jowie. Inalay n'ya yung post na yun sa mga babaeng nangarap maging guro, ie, ang nanay niya.
![]() |
from page 212 of Sir Jowie's iStatus Nation |
Kaya napailing na lang ako when I saw na yung nanay ni BO sa movie, played by Miss
Bing Pimentel, na nung huli ay tinulungan ni BO na mag-sign up sa 'St Mark’s
College of Education':
![]() |
Bob Ong helping-out his mom sign-up for school (screengrab from youtube.com) |
![]() |
Shot of BO Mom's laptop screen (screengrab from youtube.com) |
Nung pinanood ko yung movie last Feb 2014, sabi ko,
ano'ng konek? Bakit isinama yung part na yun? Parang sore thumb at isiningit
lang.
Nung mabasa ko eventually yung iStatus Nation, that was when I understood. I believe that scene in the movie was dedicated to Sir Jowie's mother. Na, kahit sa pelikula, nagawa niyang 'mapag-aral' ng education ang mama niya. Ka-touch lang. *sobs*
Exhibit two: walang nabanggit na trabaho ng nanay ni Bob Ong sa ABNKKBSNPLAko?!. Si Sir Jowie, sinabing mananahi ang nanay niya. And... indeed, mananahi nga ang nanay ni Bob Ong sa movie.
Nung mabasa ko eventually yung iStatus Nation, that was when I understood. I believe that scene in the movie was dedicated to Sir Jowie's mother. Na, kahit sa pelikula, nagawa niyang 'mapag-aral' ng education ang mama niya. Ka-touch lang. *sobs*
Exhibit two: walang nabanggit na trabaho ng nanay ni Bob Ong sa ABNKKBSNPLAko?!. Si Sir Jowie, sinabing mananahi ang nanay niya. And... indeed, mananahi nga ang nanay ni Bob Ong sa movie.
![]() |
Mananahi yung nanay ni BO sa movie -- just like Sir Jowie's (scrrengrab from youtube.com) |
![]() |
Taken from page 210 of Sir Jowie's iStatus Nation |
Exhibit three point one: (eto, hindi na dahil sa movie, these just came to me, pamparami lang ng exhibits presented, nihihi) Parehong matigas ang paniniwala ni Bob Ong at Sir Jowie na hindi nasusukat ang talino ng isang tao sa grades. Aminado si Sir Jowie na nakailang taon siya sa PNU, na niloloko na nga daw siya ni Sir Eros Atalia sa years of stay niya sa PNU. The same with BO na nagkanda-leche leche ang college life.
Exhibit three point two: Kahit na sinabi na ni Bob Ong sa isa sa mga libro niya na hindi siya mahilig sa tula (isang kilalang makata si Joselito delos Reyes), well, of course hindi ako naniniwala dun, hahaha. I thought, Sir Jowie's poetics explained the sometimes poetic prose of Bob Ong--kung bakit maganda ang tunog ng mga salita niya, na madaling mapansin na ginagaya ng mga nagsusulat ng conversational voice.
Pwede ko na rin sigurong i-exhibit three point three ang pagiging lactose intolerant ni Sir Jowie, na nauuwi sa pag-jerbaks niya sa mga hindi inaasahang lugar at pagkakataon, na kagaya ng nangyari sa bata sa movie/libro na ABNKKBSNPLAko?!.. O kaya na parehong tatlong magkakapatid sina Sir Jowie ayun sa iStatus Nation, at tatlo din na magkakapatid sina Bob Ong sa movie... But that's probably just me theorizing too much.
So, were all of those just mere coincidences?
IMHO: Ehhhhhh..... No.
IMHO: Ehhhhhh..... No.
Little Miss Porcupine
March 15, 2015
Tagaytay City
Labels:
books,
joselito delos reyes,
movies,
sino si bob ong?,
the real bob ong