Hindi ko pa yata
nasabi dito na nag-enrol ako sa graduate school last May. Hindi ko alam kung
ano ang pumasok sa utak ko. Boredom? Maiba lang ang ginagawa sa school.
To meet new people? Baka sakali kasing ma-meet ko ang soulmate ko sa grad school. To
be a better teacher for my students? Ito ang sinabi kong dahilan sa principal
at assistant principal ko nang hingan ko sila ng letter of recommendation.
Sounds pretty idealistic, but in my heart of hearts, pramis totoo yan. Child
Study ang kinuha kong specialization--konektado sa clinical psychology na
course ko ng college.
Akala ko rin kasi, same teaching load ang mabibigay sa 'kin this school year: yung self-contained class ko na ako ang teacher ng English, Science, Filipino, Work Education, at Christian Living na isang section. Five subjects. Kering-keri.
Akala ko lang pala 'yun.
Dahil kasi sa pag-transfer ng dalawa sa tatlong madre na assigned sa institusyon namin, at ang mga pumalit sa kanila na mga madre ay in-assign sa clinic at sa kitchen, marami tuloy CLE classes ang nawalan ng magtuturo. AT SA AKIN IBINIGAY ANG TATLO SA MGA 'YON. Tatlong dagdag na CLE subjects. Parang gustong mag-spontaneous combustion ng katawang lupa ko. Eh lahat ng circle of friends ko, mula elementary, HS, college, hanggang sa writer-friends ko, hindi makapaniwala na nagtuturo ako ng CLE. Wala kasi talaga sa personalidad at aura ko. Tapos bigla, it turned out na APAT na CLE subjects ang hahawakan ko this school year?! Nalalapit na ang paghuhusga ng sangkatauhan.
And so it ended up na this S.Y. 2015-2016, I would be handling my 5 regular load/subjects, plus CLE ng kabilang section, tas CLE sa dalawang technical-vocational classes: ang welding class at ang dressmaking class na may 20 plus students each. May dagdag sa kakarampot na sweldo, pero dagdag trabaho. Lalo na yung sa tech-voch, aaralin ko pa kung ano'ng mga ituturo ko.
Eh bayad na rin ako sa tuition fee ko sa grad school.
Kaya ayun, sagad to the bones ang kawindangan ko. Naga-adjust na nga ako sa back-to-school drama ko, tapos kailangan ko pang magpanggap na mabuting tao para kunyaring makatotohanan ang pagiging CLE teacher ko. Okay pa kasi sana yung same level na tinuturuan ko, madali pang bola-bolahin yung mga yun. Pero ang magturo ng CLE sa mga haragang 17-21 years old?! Stressed na stressed na stressed ako.
And syempre, dahil nga nagdagdag ako ng palayok na iba-balance sa ulo ko, kinailangan ko pang idagdag sa time management chuva ko ang mga assignment, readings, at reports na nire-require ng tatlong in-enrol kong subjects: advanced psychometrics, philosophy of education, at counseling exceptional children. May mga natutunan naman ako mula sa mga professor at kaklase ko, oo, pero nakakapagod lang talaga na guro ka na nga nang Monday to Friday mula 7AM hanggang 4PM, tapos estudyante ka naman ng Sabado mula 8AM hanggang 6:30PM. Huhuhuhuhu..hu.
And so, I am at awe with the idea that I have survived my very first term (sem)
in graduate school (trimester na kasi sila, so 12 weeks lang ang isang term). Kahapon ang huling finals ko, at huling araw rin ng pagpasa
ng requirements. Nakapag-enrol na rin ako kahapon para naman sa second term. Dalawang
subjects na nga lang. Di ko na keri ang tatlo. At! Unti-unti ko nang nagagamay
ang pagtuturo ng CLE sa tech-voc (but that's another story).
Sa ngayon, I want my much needed break before the start of the second term on September 19. But that will have to wait until next week. Itong mga nakaraang araw kasi ang panahon ng paggawa naming mga teacher ng grades at report cards para sa first grading period. Sa Friday, September 13 na ang distribution of report cards. So.. Hell, yeah. Bring it on.
And then lemme just rest for one full weekend next week. Kailangan nang mag-regroup ng brain cells, muscle cells, blood cells, at iba pang cells na bumubuo sa katawang lupa ko. Just one full weekend to recover, tapos tumbling na naman. Huwaaaaarrawwrrrrnomnomnomrawrrraaaaarrghhh.*
this cute, rawr-ing dinosaur is brought to you by~ http://weheartit.com/entry/group/14834518 |
No comments:
Post a Comment