![]() |
Pages from iStatus Nation and Bob Ong Books |
Naniniwala akong si Sir Joselito Delos Reyes si Bob Ong dahil sa maraming bagay. Dahil kagaya nga ng nasabi ko sa nauna kong post, hindi talaga maiiwasan na mag-seep in ang ilang bahagi ng pagkatao ng writer sa mga sinusulat niya. Marami sa mga kaibigan, kakilala, lugar na napuntahan, mga kahihiyan, at mga inirog/iniirog ko ay nasa mga librong isinulat ko.
Kaya ang mga iyon agad ang una kong hinanap sa pagbabasa ng iStatus Nation. At ang mga koneksyong nahanap ko roon patungkol sa mga isinulat ni Bob Ong? Read on:
ABNKKBSNPLAko?! - May bahagi sa iStatus na nagpasalamat si Sir Jowie sa mga teacher niya. Kapareho ng sa green na libro.
Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? - Socio-political itong dilaw na libro, bagay kung saan nagsimulang maging mainstream si Sir Jowie -- dahil sa 'Dear Janet' niyang facebook post.
Ang Paboritong Libro ni Hudas - 'Yung mga conversation na ganito: Boy:, Girl: <end of chat> ay meron sa iStatus at sa itim na libro.
Alamat ng Gubat - Ito, wala akong maisip. Ano... uhm... may mga comic strip din sa iStatus Nation?
Stainless Longganisa - Longganisang Lucban ang naaalala ko rito. Sa Lucban, Quezon daw nakatira ngayon ang pamilya ni Sir Jowie. Ta's pareho din na merong mga tanong na parang pang-textbook sa iStatus Nation at dito sa puting libro.
Macarthur - Nabanggit yung Macarthur Highway sa iStatus bilang isa sa mga nadadaanan ni Sir Jowie kapag nagba-bike siya.
Kapitan Sino - (Ma'am) Angel ang pangalan ng asawa ni Sir Jowie. Anghela ang pangalan ng isa sa mga karakter sa silver na libro.
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan - Kahit hindi nabanggit, Lucban yung naiisip ko na setting ng violet na libro. Lalo na yung mga life-size na religious statues. Higante pa nga iyong nasa 'Kamay ni Hesus' shrine sa Lucban.
Lumayo ka nga sa Akin - At panghuli, sa pink na libro, naroroon ang pangalan ng panganay ni Sir Jowie, si Divine. Divina nga lang yung pangalan ng karakter doon. Tapos yung 'The Manix Abrera Connection'. Isa sa mga artist na parehong nasa Lumayo... at sa iStatus si Manix Abrera (rakenrol!)
Binanggit din ni Lourd de Veyra sa introduction niya ang tungkol sa paggamit ni Sir Jowie ng font na Comic Sans, na alam ng Bob Ong fans na font ng bobongpinoy.com dati. Naisip ko, kung gustong itago ni Sir Jowie ang pagiging si Bob Ong niya, bakit niya pinayagan na maisama yung note na iyon ni Lourd? Pero, naisip ko rin, mas madaling i-deny ang isang bagay na ni-let out mo agad in the open simula pa lang. Parang reverse psychology. Ganun.
Ah, ewan. Basta sigurado ako, si Sir Jowie si Bob Ong.
No comments:
Post a Comment