Photo Credit: weknowmemes.com |
Ayon sa Myers-Briggs Type Indicator, isa akong rare pokemon. Less than 1% lang ng population ang may personality type kagaya ko. Hangtaray.
INFJ ang personality profile ko, ayon sa website na ito. It feels weird kasi saktong-sakto yung description ng INFJ sa 'kin-- from the behaviors, traits, beliefs, strengths, and weaknesses. And I quote, "INFJs indeed share a very unique combination of traits: though soft-spoken, they have very strong opinions and will fight tirelessly for an idea they believe in. They are decisive and strong-willed, but will rarely use that energy for personal gain – INFJs will act with creativity, imagination, conviction and sensitivity not to create advantage, but to create balance."
Syempre mas malakas ang sampalataya ko sa mga personality tests kesa sa mga personality profiles according sa Chinese zodiac signs, na madalas pagsanggunian kapag sa usapang personalidad at pag-ibig ng dalawa sa mga malalapit kong kaibigan. Si NJ, isa sa mga iilan kong kaibigang lalaki, kapag nakakakita ng horoscope, ang binabasa ay yung hindi niya zodiac sign. Kasi lahat naman daw ng nakalagay doon ay generalized idea para maka-identify ang sinuman. In short, wala siyang tiwala sa mga Chinese. Hah.
Kung meron man akong bagong nalaman sa bagong label ko na pagiging INFJ, iyon ay ang naka-program pala talaga ako na maging counselor, teacher, o writer. Na sakto naman sa kinalalagyan ko ngayon. Minsan nga lang, nakaka-upos din. Mahirap din kasing pira-pirasuhin ang sarili para ibahagi sa iba.
But I guess that's in my DNA. I love until I'm all dried up.
No comments:
Post a Comment