Para sa 'kin, I choose the people that I watch as to how I choose friends. Yung gusto mo kung paano sila magsalita, yung choice of words nila, yung tono.. personality... ganun. And so far, sila ang mga kinatutuwaan ko panoorin, with my fave videos of them included:
1. Anne Clutz : The Mommy
Love ko si Miss Anne kasi parang napaka-relatable niyang tao. Para siyang older friend na nagtuturo sa 'yo about makeup. Tas natatawa ako sa mga hirit niya na napaka-honest. Marami sa mga makeup ko, yung recommended niya; pareho kasi kaming oily skin (shempre yung mga available lang sa mall, hindi pa 'ko komportable sa idea ng online shopping.)
2. Anna Cay : The Shala Girl
Si Anna Cay ay considered newbie pa sa beauty vlogging, (compared to let's say, Anne Clutz), pero bongga siya sa achievements niya sa views o subscribers compared sa iba pang newbies. She's rich (halata sa mga gamit, damit, lifestyle niya) pero hindi siya mayabang o maarte o conyo. Parang siya yung mahinhin mong friend na (again) mayaman, pero simple lang. Kung si Madam Anne, nabibili ko pa yung mga drug store recomendations, si Madam Anna Cay ay... uhm, hanggang sa panaginip ko na lang mabibili ang mga holy grail n'yang makeup (haist!).
3. Kris Lumagui : The (Very) Bubbly Guru
Nung una, ayoko kay Kris Lumagui. Naiingayan at nao-OA-an kasi ako sa kanya. Hahahaha. Pero, kagaya ng ilang mga paboritong tao ko sa mundong ito, she grew on me. I soon appreciated her-- her diction, her being a teacher, at yung creativity ng videos niya. Two of her videos that touched my heart were: 1) yung naiyak siya kasi dahil sa critics niya at tsaka kinukumpara niya yung sarili niya sa ibang mga Youtubers na mas madaming views kahit nauna pa siya o kasabayan lang halos niya (naka-identify ako kasi may ganun akong issue ngayon sa school); 2) nung namigay sila ng hubby niya nung Christmas eve (I think) ng mga eco bags na may pang-noche buena sa loob. Gusto ko yung gawing life goal. Cool.
4. Raiza Contawi : The Skilled One
Kelan ko lang nasimulang panoorin si Miss Raiza, and I chose to include her on this list compared sa isa pang beauty vlogger na medyo matagal-tagal ko ring sinundan yung videos kaya lang naasar na ako sa kanya---ooops, about kay Raiza nga pala 'to. Anyhoo, si Madam Raiza, alam mo lang na MAGALING siya. Sa kanilang lima na paborito ko, siya talaga yung true-blue makeup artist (alam ko nagpa-part time din si Kris Lumagui, pero mas madalas kasi magbanggit si Raiza ng "I use this even sa mga client ko", kaya mas feel kong tunay na MUA siya versus someone na makeup enthusiast). Resourceful si Raiza sa paggamit ng makeup, at may color themes din yung ilang makeup videos niya, kaya naaalala ko sa kanya si PONY (makeup artist ng Kpop star na si CL).
5. Raisa Tan: The Newbie
Si Raiiiiiisaaaaa. Ang cute niya. Newbie na newbie. Yung tipong hindi pa pak na pak ang makeup (aminado rin naman siya dun), pero matuto ka sa kanya. Halo ng maharlikang makeup at drugstore ang makikita sa videos niya, pero kagaya ni Madam Anne Clutz, parang ang honest-honest niya kapag nagre-recommend. Gusto ko rin yung skin care videos niya. I hope mas dumami pa yung subscribers niya kasi napi-feel ko talaga yung passion niya sa makeup vlogging.
....and there you go! My top five pinay beauty vloggers, whom I'm really thankful for kaya madalas akong sabihan na blooming ng mga students ko ;) Although dahil din sa kanila kaya wala ako halos ipon ngayon taon, but *shrugs* a girl's gotta do what a girl's gotta do. Ngayon lang na I'm in my thirties that I'm beginning to learn and I appreciate makeup and... well, I'm really loving it :)
No comments:
Post a Comment