Uber late post: Written last March 15, 2015.
As I was celebrating a milestone of
some sort during my birthday, napag-desisyunan ko na pumunta ng Tagaytay
mag-isa. Medyo violent ang reactions ng protective kong Mama’t Papa, maski ng
not-so-little little brother ko, dahil first time ko mag-overnight sa isang
lugar nang mag-isa.
But I pushed through with it kasi...
Kasi gusto talaga maka-experience ng isang bagay na hindi ko pa nagagawa, thus,
the solo overnight experience.
Nung una, gusto ko sana gayahin yung
co-teacher ko na nag-overnight sa isang kumbento para sa isang silent retreat.
Pero humirit yung isa sa mga ka-close kong teacher, si Ma'am S, at nagsabing
hindi daw bagay sa akin ‘yung mga ganung kabanalan. True that naman.
So, ayun, yung una kong tiningnan eh
isang Spa/Resort sa may Antipolo. Ang mahal! Tapos andami pang panget na
reviews-- well, mixed reviews naman... pero, sayang din yung P3800 para sa
overnight stay + food + pamasahe pa . Nag-volunteer naman yung kapatid ko na
sagot na daw niya yung bayad ko sa accomodation, birthday gift niya sa 'kin.
Umayaw ako nung una (pa-charot ko lang); sabi ko pag-isipan niya. Ilang libo
din yun ‘no. Pero pinaalala lang niya sa
akin na nung ako naman yung malaki ang sweldo dati (for 3 years, I worked in a
call center as a recruitment officer bago ako naging guro), ako yung gumagastos
for him, binibili siya ng mahal na rubber shoes, nililibre sa pagkain, etc. So,
he's just kinda giving it back. Sweet no?
Kaya naman, with P5000 pocket money
courtesy of my little brother na sumu-sweldo na four times nang sa akin, ayun,
hanap ulit ako sa net. Super mega dami kong napuntahan na sites, blog, reviews,
hanggang sa makita ko siya, ang the one:
This is somewhere in Tagaytay. Very
artsy, quaint looking place. Bagay lang sa pa-artist/writer na ako.
So, to cut the story short, nag-book a for an overnight stay for two. Well, wala namang overnight stay for
one, so... there.
I read up about a few things about
traveling alone for a girl (you can check-out this Rappler post), kaso, mas
lalo lang yata akong naging paranoid. Hahahaha. Cool yung place, hindi ko
ma-describe kung ano yung klase ng design nila, basta swak siya sa artsy me.
Ayun. Can these photos speak for themselves? (taken by my phone's camera, so sorry for the quality)
Medyo lonely nga lang kumain mag-isa,
habang nasa isang sosyal, floating na cabana, na may mga tumatalon-talon na palaka
sa gilid. (Naghihintay na nga lang ako ng tatalon papunta sa mesa ko, pero wala
naman, thank Goodness.) I am used to being alone, pero... Pero iba pa rin pala
talaga kung may kasama ka sa isang magandang lugar, habang kumakain ng mga
hindi mo kilalang pagkain.
(Aside: masarap yung langka na dini-dip
sa chocolate. Yammeee! End aside.)
Tapos, ayun, sa kwarto lang ako. Okay
naman yung room, may surround speakers yung TV, at naka-tatlong pelikula ako sa
Cinema One: Tanging Ina, Bromance, at Rurouni Kenshin. Kenshiiiiin. Oh my God.
Ang guwapo-guwapo-guwapo talaga ni Kenshin.
Naalala ko lang.. (sakit ko talaga ang
pag-digress, sorry). Dahil nga paranoid ako, sinunod ko yung bilin sa video na
napanood ko, na kumausap ng sinuman sa phone, para warning na rin daw yun sa
mga tao na kahit mag-isa ka, meron kang kausap na nakaka-alam ng whereabouts
mo. Ginawa ko yun habang nasa tricycle ako, at medyo matanong si kuya manong
driver it made me uncomfortable. Kunyari, tinawagan ko yung
"boyfriend" ko na nauna na sa aming tagpuan. Ginamit ko yung pangalan
nung lalaki (bading) na bumasted sa 'kin. (Bitter much pa rin, no?) Anyhoo, syempre sinigurado ko muna syempre na naka-silent mode yung phone ko, baka magaya
ako kay Sarah G. dun sa movie nila ni John Lloyd na nagkukunwari siya na may kausap
sa phone tapos bigla nag-ring yung phone niya. Hehe. And so.. parang tanga
lang ako 'no?
As I was saying... Ano.. Ano na nga ba? Uhm.. Okay naman yung naging overnight stay ko. Nakapag-sulat ako ng tula,
flash fiction, dalawang blog post (kasama na ito na sinusulat ko ngayon habang
nagla-lunch sa may Starbucks Tagaytay. I feel like a burgis, gademit.)
The reflections I had? Mahirap pa rin
pala talaga mag-isa. Akala ko, sanay na 'ko. Kasi sanay naman ako mag-mall,
kumain, mag-byahe mag-isa. Pero... Sa lawak ng king-size na kama, sa lambot ng
comforter at unan, sa isang lugar na nakakapagpa-reincarnate ng mga
nakabakasyong writing muse, gugustuhin mo pa rin pala na may kasama.
Ang ending nito? Nalaman ko na ayoko na
pala talagang mag-isa.