art by kunehonkun.deviantart.com |
(Aside: Para hindi naman puro reklamo sa opposite sex--Nagawa ko na rin dati na sadyaing manghila ng hibla ng buhok ng isang babae na feeling yata nasa Sunsilk commercial siya at walang pakialam kahit humahampas na sa mukha ko yung buhok niya. End aside.)
Kahapon lang, pinalabas sa TV Patrol yung video ng isang "patok" na jeep. Bago pa sabihin sa report kung ano yung linya ng jeep, sinabi ko na sa nanay ko: "Cubao-Stop and Shop 'yan, sigurado." Dahil more than a decade ago, isa ako sa mga naging pasahero ng mga patok jeep-- de-hilang lubid ang pagpara, at yung drayber, bukod sa may "konduktor" na kasama, eh parang hinahabol ng labinlimang white lady kung makapasada sa kalsada.
At dahl dyan, gusto ko lang mag-share ng ilan sa mga kwentong jeepney ko. On top of my mind are:
1. "Bayad"
Nagkataon na nakasabay ko pauwi ang tatlong girls mula sa school na pinagtuturuan ko. Dalawa sa kanila, former students ko. Hindi uso sa kanila ang manlibre ng teacher (them being poorest of the poor', sabi nga ng school director/founder namin), kaya nang mag-abot ako ng bayad ko, inabot naman yun nung isa sa mga dati kong estudyante. Tas sabi niya sa drayber: "'Ma, bayad po: tatlong estudyante, isang teacher."
2. "Student Discount"
Kinikilig ako kapag nagbabayad ako sa jeep dito sa 'min ng either sampung piso o bente, tas itatanong sa 'kin ng dyaber habang nakatingin siya dun sa salamin sa unahan niya: "Estudyante?"
Gusto ko sanang isagot: "Hindi po, teacher. Pang-estudyante lang ang height... At itsura. (minsan lang naman; 'pag hindi Haggardo Versoza)
3. "Guardians of the Jeepneys"
Dahil marami nga ako nakakasabay na mga estudyante sa jeep, minsan ako na rin ang naiilang sa mga hindi nakakapansin sa 'kin na estudyante, ta's mag-uusap sila ng kung anu-anong kabulastugan sa byahe. Minsan din naman, may mga concerned students na ihihirit sa mga katabi nila ng pabulong (pero rinig ko pa rin naman) "Huy, may teacher sa dulo, may teacher sa dulo."
Letsi kayu.
4. "Flashback: Ibabayad"
Nung bata ako, ang pinakaayaw ko marinig sa commute ay yung kapag tinatanong ng drayber: "Ibabayad ba 'yung bata?" Tapos, sasagutin naman ng nanay ko na "Oo, ibabayad."
Nai-imagine ko yung sarili ko na pinagpapasa-pasahan ng mga tao mula sa kinauupuan ko, papunta sa drayber--kagaya kainang inaabot na pera pambayad. Na-realize ko din naman after sometime na iba pala ang "ibabayad" sa "Ipambabayad".
5. "A Stolen Kiss"
Lahat ng girls I believe, may 'kwentong manyak' na masi-share. Mga kumikiskis na braso, pini-picture-an ka, meron pa nga akong narinig na kwento na exhibitionist na nag-masturbate talaga siya sa harap ng girls sa jeep.
Pero, ewan ko, I find what happened to a college friend the weirdest. Na, habang nakasakay siya sa jeep, bumaba yung isang lalaki at HINALIKAN SIYA SA PISNGI. Tapos nag-babay sa kanya at bumaba ng jeep na wala lang. Natulala lang yung kaibigan ko. Sobrang shocked siya, hindi siya naka-react. Pero pagdating nya noon sa school, pulang-pula yung pisngi niya dahil sa pagkuskos niya with running water and alcohol.
Ikaw, ano'ng kwentong Fibis--er.. kwentong jeepney mo?
Graton Casino - MapYRO
ReplyDeleteGraton Casino. Address: 5406 영천 출장안마 Casino Ave 창원 출장마사지 S, Suite 202, Suite 202, Suite 209, Suite 제주도 출장샵 227, Suite 211, Suite 220, Suite 창원 출장샵 227, 대구광역 출장샵 Suite