Monday, January 11, 2016
Beauty and the Bestie: The Best Vice Ganda Movie.. Like.. Evah!
Nabanggit ko na sa post na ito na fan ako ni Vice Ganda, pero hindi ko nagustuhan yung 'The Amazing Praybeyt Benjamin' (na kelan ko lang din nalaman na may record pala bilang highest grossing Filipino movie of all-time, before 'A Second Chance', that is). Medyo nabanggit din sa dulo ng post na yun ang pagmamahal ko kay Coco Martin, so imagine my joy when I knew that they would be having an MMFF movie together. Kinikilig ako, pramis.
Being the fan that I am, kahit na anong tungkol dun sa upcoming movie nila, talagang binabasa ko. Pics about their first shooting days, interviews, LAHAT talaga ng pwede kong mapanood at mabasa tungkol sa 'Beauty and the Bestie', nahalungkat ko. Pinanood ko yung presscon nila sa movie sa Youtube, pati yung Blogger's con, yung sa Cinema One, etcetera, etcetera. Sobrang dami ko nang alam tungkol sa movie nila na nakukulili na yung mga tenga ng mga tao dito sa bahay sa kwento ko. Alam ko kasi na best friend sila sa totoong buhay, at ilang beses ko inulit-ulit sa iWantTV yung mga interview ni Coco sa GGV, kaya looking forward ako sa dynamics nila sa big screen.
But it took me THREE WEEKS before I was able to watch 'Beauty and the Bestie'. Lagi kasing ang habaaaaaaaa ng pila sa mall malapit sa 'min. Pero kanina, sa wakas eh natuloy na rin kami ng nanay ko na manood. Kaya nga bigla ulit akong napa-post dito after..uhm.. three months?
Kasi super saya nung movie! Tapos andaming scenes na sobrang kilig na kilig ako kay Coco, na para akong bulateng nilagyan ng asin sa upuan ko. Graaaaaaabe. Super dami ng tawa ko dun sa 'Hold on' scene, tapos nagseselos din ako kapag may ibang niyayakap si Coco. Hahahahaha.
Hindi ako masyadong fan ng JaDine (I'm more of a KathNiel fan), but they successfully gave-off the teenager-y romance vibe sa movie. Andaming kinikilig na kabataan sa sinehan dahil sa kanila, lalo na dun sa singhutan ng kili-kili part. The support cast were good as well, tawang-tawa ako dun sa convo nina Ryan Bang and dun sa Japanese character na sa pagkakatanda ko eh Ken yung pangalan. Seksi para sa 'kin ang Japanese accent dahil sa affinity ko sa manga at anime-- at kay Kenshin Himura. Hehehe.
At napapatunganga ako dun sa doktor. Kamukha niya yung ultimate high school crush ko na nabeso ko pa nung Christmas Eve mass. Haaaaay.
Ooops, I digress again.
I've to admit, hindi naman lahat ng hirit sa movie, havey sa akin. But I couldn't remember the last time I laughed so hard in a movie-- ito lang ulit sa 'Beauty and the Bestie'. There were even parts na ako lang ang natatawa sa buong sinehan. Kaya naman, I therefore conclude:
Vice Ganda + Coco Martin + Wenn Deramas + good support cast = an MMFF movie that's well worth my Php 210.00
(P.S. Will you marry me, Rodel Nacianceno?)
Labels:
coco martin,
fan girling,
movies,
pumapag-ibig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment