Saturday, January 16, 2016

Guardians of the Jeepney and Other Stories

art by kunehonkun.deviantart.com
Sometimes, when I'm in a PUV (most especially a jam-packed, sardinas-esque na jeepney), I daydream of turning into a human porcupine. 'Yung parang si Wolverine na may retractable claws--'yung sa 'kin nga lang, retractable quills. Nakaka-bwisit kasi yung mga lalaking kung makasiksik, wagas. Kung makakiskis ng braso nila, walang pakundangan. Kung makabukaka, akala mo pang-dalawahang tao yung binayad nila sa drayber. Yung iba, pakiramdam ko, SM lang.. Simpleng Manyak.

(Aside: Para hindi naman puro reklamo sa opposite sex--Nagawa ko na rin dati na sadyaing manghila ng hibla ng buhok ng isang babae na feeling yata nasa Sunsilk commercial siya at walang pakialam kahit humahampas na sa mukha ko yung buhok niya. End aside.)


Kahapon lang, pinalabas sa TV Patrol yung video ng isang "patok" na jeep. Bago pa sabihin sa report kung ano yung linya ng jeep, sinabi ko na sa nanay ko: "Cubao-Stop and Shop 'yan, sigurado." Dahil more than a decade ago, isa ako sa mga naging pasahero ng mga patok jeep-- de-hilang lubid ang pagpara, at yung drayber, bukod sa may "konduktor" na kasama, eh parang hinahabol ng labinlimang white lady kung makapasada sa kalsada.



At dahl dyan, gusto ko lang mag-share ng ilan sa mga kwentong jeepney ko. On top of my mind are:

1. "Bayad"

Nagkataon na nakasabay ko pauwi ang tatlong girls mula sa school na pinagtuturuan ko. Dalawa sa kanila, former students ko. Hindi uso sa kanila ang manlibre ng teacher (them being poorest of the poor', sabi nga ng school director/founder namin), kaya nang mag-abot ako ng bayad ko, inabot naman yun nung isa sa mga dati kong estudyante. Tas sabi niya sa drayber: "'Ma, bayad po: tatlong estudyante, isang teacher."

2. "Student Discount"

Kinikilig ako kapag nagbabayad ako sa jeep dito sa 'min ng either sampung piso o bente, tas itatanong sa 'kin ng dyaber habang nakatingin siya dun sa salamin sa unahan niya: "Estudyante?"
Gusto ko sanang isagot: "Hindi po, teacher. Pang-estudyante lang ang height... At itsura. (minsan lang naman; 'pag hindi Haggardo Versoza) 


3. "Guardians of the Jeepneys"

Dahil marami nga ako nakakasabay na mga estudyante sa jeep, minsan ako na rin ang naiilang sa mga hindi nakakapansin sa 'kin na estudyante, ta's mag-uusap sila ng kung anu-anong kabulastugan sa byahe. Minsan din naman, may mga concerned students na ihihirit sa mga katabi nila ng pabulong (pero rinig ko pa rin naman) "Huy, may teacher sa dulo, may teacher sa dulo."

Letsi kayu.

4. "Flashback: Ibabayad"

Nung bata ako, ang pinakaayaw ko marinig sa commute ay yung kapag tinatanong ng drayber: "Ibabayad ba 'yung bata?" Tapos, sasagutin naman ng nanay ko na "Oo, ibabayad."

Nai-imagine ko yung sarili ko na pinagpapasa-pasahan ng mga tao mula sa kinauupuan ko, papunta sa drayber--kagaya kainang inaabot na pera pambayad. Na-realize ko din naman after sometime na iba pala ang "ibabayad" sa "Ipambabayad".


5. "A Stolen Kiss"

Lahat ng girls I believe, may 'kwentong manyak' na masi-share. Mga kumikiskis na braso, pini-picture-an ka, meron pa nga akong narinig na kwento na exhibitionist na nag-masturbate talaga siya sa harap ng girls sa jeep.

Pero, ewan ko, I find what happened to a college friend the weirdest. Na, habang nakasakay siya sa jeep, bumaba yung isang lalaki at HINALIKAN SIYA SA PISNGI. Tapos nag-babay sa kanya at bumaba ng jeep na wala lang. Natulala lang yung kaibigan ko. Sobrang shocked siya, hindi siya naka-react. Pero pagdating nya noon sa school, pulang-pula yung pisngi niya dahil sa pagkuskos niya with running water and alcohol.




Ikaw, ano'ng kwentong Fibis--er.. kwentong jeepney mo?



Monday, January 11, 2016

Beauty and the Bestie: The Best Vice Ganda Movie.. Like.. Evah!


Nabanggit ko na sa post na ito na fan ako ni Vice Ganda, pero hindi ko nagustuhan yung 'The Amazing Praybeyt Benjamin' (na kelan ko lang din nalaman na may record pala bilang highest grossing Filipino movie of all-time, before 'A Second Chance', that is). Medyo nabanggit din sa dulo ng post na yun ang pagmamahal ko kay Coco Martin, so imagine my joy when I knew that they would be having an MMFF movie together. Kinikilig ako, pramis.

Being the fan that I am, kahit na anong tungkol dun sa upcoming movie nila, talagang binabasa ko. Pics about their first shooting days, interviews, 
LAHAT talaga ng pwede kong mapanood at mabasa tungkol sa 'Beauty and the Bestie', nahalungkat ko. Pinanood ko yung presscon nila sa movie sa Youtube, pati yung Blogger's con, yung sa Cinema One, etcetera, etcetera. Sobrang dami ko nang alam tungkol sa movie nila na nakukulili na yung mga tenga ng mga tao dito sa bahay sa kwento ko. Alam ko kasi na best friend sila sa totoong buhay, at ilang beses ko inulit-ulit sa iWantTV yung mga interview ni Coco sa GGV, kaya looking forward ako sa dynamics nila sa big screen.

But it took me THREE WEEKS before I was able to watch 'Beauty and the Bestie'. Lagi kasing ang habaaaaaaaa ng pila sa mall malapit sa 'min. Pero kanina, sa wakas eh natuloy na rin kami ng nanay ko na manood. Kaya nga bigla ulit akong napa-post dito after..uhm.. three months?


Kasi super saya nung movie! Tapos andaming scenes na sobrang kilig na kilig ako kay Coco, na para akong bulateng nilagyan ng asin sa upuan ko. Graaaaaaabe. Super dami ng tawa ko dun sa 'Hold on' scene, tapos nagseselos din ako kapag may ibang niyayakap si Coco. Hahahahaha.

Hindi ako masyadong fan ng JaDine (I'm more of a KathNiel fan), but they successfully gave-off the teenager-y romance vibe sa movie. Andaming kinikilig na kabataan sa sinehan dahil sa kanila, lalo na dun sa singhutan ng kili-kili part. The support cast were good as well, tawang-tawa ako dun sa convo nina Ryan Bang and dun sa Japanese character na sa pagkakatanda ko eh Ken yung pangalan. Seksi para sa 'kin ang Japanese accent dahil sa affinity ko sa manga at anime-- at kay Kenshin Himura. Hehehe.

At napapatunganga ako dun sa doktor. Kamukha niya yung ultimate high school crush ko na nabeso ko pa nung Christmas Eve mass. Haaaaay. 


Ooops, I digress again.

I've to admit, hindi naman lahat ng hirit sa movie, havey sa akin. But I couldn't remember the last time I laughed so hard in a movie-- ito lang ulit sa 'Beauty and the Bestie'. There were even parts na ako lang ang natatawa sa buong sinehan. Kaya naman, I therefore conclude:

Vice Ganda + Coco Martin + Wenn Deramas + good support cast = an MMFF movie that's well worth my Php 210.00


(P.S. Will you marry me, Rodel Nacianceno?)