Saturday, January 31, 2015

Ang Fallen 44 at Isang Commercial Break

Kaninang umaga, sigurado na ako na magsusulat ng isang post tungkol sa apatnapu't apat na PNP-SAF na namatay sa Mamasapano. Apektado kasi talaga ako sa nangyari.

Pero may nangyari kasi kaninang hapon. At mapapanis yung pakiramdam kung sa Wednesday ko pa ito ipo-post. Kaya bago yung mabigat sa pakiramdam na post ko about the Fallen 44, commercial break muna:

Nasa mall ako na malapit sa 'min kanina. At dahil bibili lang naman ako ng ilang mga gamit para sa school (in-chrage kasi ako sa 'Arts and Culture' month this February), hindi na 'ko nag-effort mag-ayos. Souvenir shirt mula Palawan, black leggings, at tsinelas. Yung buhok kong sabog, hinayaan ko lang na nakalugay. Running errands lang naman ako. Kebs na ang 'au naturel'.

Eh kaso, bigla kaming nagkasalubong ni A sa National Bookstore-- si A, na inirog ko rin ng matagal-tagal na panahon simula noong high school, magpa-hanggang college, maski hanggang nagsimula na akong magtrabaho. Si A na laman ng mga blog post ko sa Friendster noon. Si A na hiniram ko ang mismong apelyido para sa pen name ko. 


Si A na kinasal kamakailan lang, sabi ng nanay ko. Nagbebenta kasi sa junk shop namin yung tatay ni A... at yun. Ayun.

December 2013 ko pa siya huling nakita, kahit nasa iisang barangay lang kami. Tanda ko kung kelan kasi, yun yung araw na kinasal yung isang high school classmate/common friend namin. Yun yung muntik nang siya yung makakakuha ng garter, at ako yung lecheng nanalo (natalo?) sa game para naman sa bouquet ng bride. Kapaan pa naman yung ng katawan nung lalaki habang naka-blindfold yung single girls. Pfft.

Anyway, sakit ko na ang pag-digress, sorry. 

Ayun nga, nagkita kami kanina. Ako yung naunang pumansin sa kanya. I noticed he was still wearing his scrub suit pants (he works as a nurse), and he's grown stubbles that make him look...manlier. Sexier. (Aysos.)

I saw him checking me out, at dun ako nagsisi kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na magkikita ulit kami, iyong mga oras na iyon pa: with my lion hair, bare faced, and with one nagsusumigaw na tagyawat. Kainis.

He asked me kung dun pa rin ako nagta-trabaho, mukhang nagulat nang sabihin ko na teacher pa rin ako sa NGO, as he held my forearm for a second, and tapped by shoulder as we said good bye. Ang touchy!


And so, my emotions were stirred. Not shaken, just stirred.


*** End of commercial break. ***



Noong una kong marinig ang balita tungkol sa SAF 44, I was not moved. They were mere statistics for me. Nakakalungkot mang isipin, pero medyo common na kasi ang balita tungkol sa  mga namamatay sa gulo sa Mindanao. And after the horror of Maguindanao massacre, it would take a lot for me to feel deeply moved about the news from down south. 

Pero sa pagkakataong ito, I think the media played it well. Nang ipakita na kasi sa evening news isa-isa yung mga larawan ng napatay na SAF commando, dun na ako naiyak at sumaludo sa TV screen. Kasi hindi na sila statistics, hindi na sila numero. Nagkaroon na sila ng mukha. Nakita ko na sa isip ko ang mga pamilya, asawa, mga anak nila. Na-imagine ko na ang mga huling sandali nila sa mundo, sa ingay ng mga putok ng baril, sakit ng pagtama ng bala sa katawan, ang kamatayan ng mga kasama nila. 

Hindi ko alam noon ang tungkol sa Special Action Forces unit ng PNP. Pangit at stereotypical ang opinyon ko noon sa lahat ng pulis-- at naisip ko pa nga noong dumating ang Santo Papa at noong pinakita sa TV yung pang-aaway ng isang ale sa pulis na nagbabantay, na baka kung sundalo yung nandun, baka hindi ganun na lang kung sagut-sagutin nung ale yung kausap niya. Para kasing... mas kagalang-galang yung imahe ng mga sundalo kesa mga pulis.

Pero nagbago na ang opinyon ko sa kapulisan ngayon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na isa sa mga napikon nang hindi pumunta si PNoy sa Villamor Airbase noong lumapag ang eroplano na may dala ng mga casket ng 42 sa Fallen 44. I voted for PNoy. Hindi isa sa mga hobby ko ang tumuligsa sa kanya. Para sa 'kin, I'd rather have him as the President, kesa si Erap. O GMA. O Villar. I'm not a fan, but I find his presidency tolerable than the last two that this country has had.

Kaya lang, nag-init talaga ang ulo ko nang hindi siya magbigay kahit 30 minutes man lang ng ginintuan niyang oras para sumaludo sa mga pulis na iyon. Siya ang commander-in-chief nila. They died for this country. Tapos nasaan siya? Nasa isang car show sa Laguna? 

For the Fallen 44, may you rest in peace. Ipagdarasal ko rin po ang mga pamilya ninyo. Ang buong institusyon po namin: mga staff, teachers, at mga kabataang inaalagaan namin, ay nagdasal din para sa inyo at para sa inyong mga pamilya sa misa namin kahapon. Sa apat na taon ko po na pagta-trabaho doon, dalawang beses ko pa lang po nakikitang umiyak ang pari namin. At kahapon po ang isa doon, habang sinasabi niya sa amin ang kabayanihan ninyo. 

I can only dream to have even a drop of your insurmountable patriotism and love for this country.

Maraming, maraming salamat po sa pag-aalay ng inyong buhay para sa Pilipinas. 


Art by: KaJo Baldisimo

Saturday, January 24, 2015

A Meet-up, a Party, and an Impromptu Date for Coffee

This February 14, wala akong ka-date. (What's new?) Pero, meron akong a-attend-an na kasal ng isa sa college friend, si G. Nakikini-kinita ko na na isa 'to sa mga memorable na kasal na dadaluhan ko. Kanina kasi, sinabi ni G na sa reception, kailangan daw namin sumayaw for 30 seconds ng 'Gentleman' nung partner ko. *expletive* Tapos, tapos! Ang kulay pa ng bridesmaid gown namin eh: pula. Pula. Pulaaaaa!

As if naman kaputian ako. Huhuhu. Ewan ko ba naman dun kay G kung anong trip sa buhay--



Kanina ko lang 'yang gown nakuha mula sa bride-friend ko. Nagkita-kita kami sa Glorietta 4 National Bookstore, na isinabay na rin nilang mag-asawa (kasal na rin naman sila through a civil wedding) ng pagbili ng mga anik-anik para sa wedding. As usual, nagkandaligaw-ligaw at mega-taong na naman ako kina manong guard for directions.

Anyhoo, sa may Tutuban pa 'yan pinatahi, pero never ako nagpunta dun. Nung araw kasi na dapat pupunta kami dun, was the same day that my Lola passed away. Naintindihan naman ako ni G nang mas piliin ko na umuwi ng probinsiya namin kesa magpasukat ng gown. 

At dahil hindi na niya ako masasamahan ulit sa Tutuban (at hindi ko kaya pumunta dun mag-isa, alam nila na location-challenged ako), ako na lang daw ang kumuha ng sarili kong measurement at ite-text na lang daw niya sa mananahi. Dadalhan na lang daw niya 'ko ng Youtube video. The ways of technology, daba?

Pero wala akong tiwala sa gagawin kong pagsusukat ng sarili. Yung pajama nga lang na ginawang project namin nung elementary, nanay ko gumawa eh. Hehehe.. heh.

So I just commissioned our dear school's resident mananahi, yung instructor namin sa dressmaking. Pumayag naman si Ma'am C na sukatan ako ng mga kailangang sukat para sa gown. Binigyan ko na lang siya ng brownies bilang thank you.

At yun. Ayun na nga ang kinalabasan ng aking pulang gown. Sinukat ko, okay naman. Pero mukha pa rin talaga akong mantel.

Which brings me to the second part of my busy Saturday afternoon/evening.

I attended a benefactor's Thanksgiving Party at school. Inimbita kasi ako ni Ate F, isa sa mga marketing officer ng aming NGO, na ka-close ko. Timing na rin na may Thanksgiving mass/ Final Blessing sa mga kukuha ng ALS exam, ang PINAKAMAHALAGANG EXAM sa buhay ng mga pinakamamahal naming mga estudyante. 

(Aside: Dahil non-formal school kami, hindi kami kasama sa K-12 ng gobyerno. Basta kailangan, maipasa ng mga bata namin yung ALS exam-- hundreds of multiple choice items plus a personal essay on civic/political/social issues. At MAHIRAP silang turuan magsulat ng essay. MADUGO mag-check. Az in. End aside.)

Marami sa kanila ang tinuruan ko magsulat ng essay. Kaya to show na rin my support, tas may libre pa kong dinner. Hehe. So, gorabels ako from Glorietta 4 to our school.

Naka-dress ako. Simpleng plain, gray dress lang naman na may sleeves pero above the knee. Dinaan ko lang sa accessories. Pero bongga yung reaksyon ng mga bata. Hahaha. Mula sa "Mukha kang dalaga, Ma'am," "Hindi ka na mukhang teacher, Ma'am," hanggang sa "Para kang prinsesa, Ma'am." Tinatawanan ko na lang, at binabalikan ko na lang ng: "O, bola na 'yan. Wala 'yang plus sa exam!" (Quarterly Test namin kasi next week.)

Ayun. Masaya yung gabi kasi may live band. Medyo may ilang sablay na tugtog, pero okay lang naman. Astig yung centerpiece ng table namin, very NGO-ish. Ansabeh ng origami flowers!

Anyway, naki-table ako sa mga girls. Napa-kwento pa nga ako sa kanila about sa earlier engagement ko that day, ta's pinakita ko pa yung gown. Sabi ko, kakulay ng mantel namin. (Naman!) Pero in-encourage pa ko ng mga ka-table ko, na magkahalong former/present/non-students ko. Okay lang naman daw sa akin yung kulay. Sabi pa ni A, isa sa mga pinaka-close kong student, gusto daw niya makita yung picture ko kapag suot ko na yung gown.

The party came to a close early, around 10PM nagligpitan na yung mga kids, dahil nga sa ALS exam. Nahiritan ako ni Ate F na magpa-kape. At nagpa-bully naman ako sa kanya:



That is my cute hot choco cup over there. Hihihi. 

Ako na ang nagbayad sa kape ni Ate F at tsokolate ko dahil sa ibinigay niyang dahilan: Pupunta kasi siya ng Korea this February kaya ayaw niyang gumastos. Hmmp.

Understandable naman. She's a single mom, at yung byahe na yun ay gift niya sa sarili niya. Adik kasi siya sa mga Koreanovela. At ang gusto niya ay puntahan yung mga lugar kung saan na-shoot yung mga paborito niyang shows. Ang naisip ko nun, parang yung nangyayari ngayon sa La Presa ng Baguio City dahil sa 'Forevermore' na teleserye ng ABS-CBN.

Syempre, mega-update kami ni Ate F about sa mga chismis sa aming organisasyon. Sa mga umalis, pinaalis, at aalisin pa lang. Normal at hindi perpekto yung institusyong kinabibilangan namin, at kesa ma-badtrip about it, natutunan na lang namin ni Ate F na tawanan na lang 'yun at pag-kwentuhan over coffee. 

And there goes my very-productive, social Saturday.

Wednesday, January 21, 2015

The End of a Looong Weak-end

"Bawal" sa aming mga teacher, at least sa NGO-run school kung saan ako nagtuturo, na umabsent.

Dahil hindi katulad sa ibang mga school na kapag may absent na teacher ay may bayad yung magsa-substitute na teacher for him/her, sa amin kasi, wala.

Kaya sa halip na vacant nung teacher na pumasok, kailangan niyang humarap sa mga, eherm, "mababait" na mga estudyante na hindi naman niya klase, at wala pa siyang bayad nun.

Kaya hangga't maaari, hindi talaga ako umaabsent. At kung a-absent man ako/kami dapat nag-iiwan kami ng seatwork o ipapagawa man lang sa klase, para hindi na iyon po-problema-hin pa ng teacher na magsa-sub.

E kaso... absent ako kanina. Tapos kahapon, umuwi na agad ako 10 am pa lang (although wala pa rin naman kasing pasok yung mga estudyante sa min after the 3-day holidays due to the Papal visit, for reasons I haven't asked yet, sabaw ako sa school kahapon eh). 

mga reseta ni dok
Nagpa-check-up ako kahapon ng hapon, and came to know that I had an acute gastroenteritis-- isang medical term sa unli-LBM + lagnat + acid reflux.

Sorry, TMI.

Dalawang araw na 'kong bed rest. Nito ko lang naramdaman yung sa sobrang panghihina, ang kaya mo na lang gawin ay humiga.  

Pero medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi pa rin ako makakain ng heavy meal, pero okay na 'ko.

Gusto ko nang pumasok. Nakakahiya na sa co-teachers ko, plus nami-miss ko na mga estudyante ko. 

Kung di ba naman napanaginipan ko pa sila kaninang hapon na pinapagalitan ko sila. Hahahaha...hah.


  

Sunday, January 18, 2015

Salamat po, Papa Francisco!



Simula noong Huwebes ng gabi, wala na 'kong ginawa kung hindi umiyak. Si Lolo Kiko kasi eh, pinapaiyak ako. Pati rin pala si Cardinal Tagle. Apat nang sunod-sunod na araw na namamaga yung mga mata ko. Hindi ako usually iyakin, kaya nagpapasalamat ako na hindi na lang nagko-komento ang mga tao dito sa bahay kung bakit laging maga ang mata ko--at hindi na nagugulat kung bakit panay ang pahid ko ng luha habang nakaharap sa TV at pinapanood si Pope Francis.

Ongapala, late 'tong blogpost na 'to ng isang araw sa Wed/Sat ko na update sched-- a first time sa loob ng apat na buwan mula ng inumpisahan ko 'tong blog. Naging busy kasi ako kahapon ng umaga sa panonood ng misa ni Pope sa Tacloban. Tapos nung hapon hanggang gabi, gumagawa ako ng quarterly exams at TOS (table of specification) para sa anim na iba't ibang subjects na tinuturo ko. Sobrang sabaw na ko nung kinagabihan na hindi ko na kinaya mag-type pa ng post tungkol sa version ko ng 'Francis Effect.' Ayokong lumabas ito na half-hearted. Kaya eto, isang post na bumabali sa sched, para sa isang Pope na paminsan-minsan ay bumabali din ng sched at protocol.

Naligaw na 'ko, sarreh.

Back to the Pope Francis Fever... Ayun, isa ako sa mga naapektuhan niya kahit na nag-decide ako na panoorin na lang siya mula sa TV screen. Nung una, inisip ko pa na pumunta ng Quirino avenue... Kaso ang nagpabago ng isip ko, nung mapanood ko yung balita tungkol sa mga galit na galit na tao sa may Manila Cathedral kasi nagpupumilit sila makalapit sa simbahan. Dahil nagkakatulakan na at nag-aalala na yung mga pulis na baka magka-stampede, may ilan na pinayagan ang mga pulis na maka-tawid sa concrete barrier: mga bata, matatanda, at mga madre. Tapos, isang galit na galit na babae yung sumigaw sa mga pulis ng: 
"Kaninang madaling-araw pa kami dito! 'Yung iba pinayagan n'yo, tapos kami hinde?!"

Ayos 'yan, naisip ko. Nandun siya para makita ang Santo Papa, pero 'yung ugali naman niya... Napaka... hindi maka-Kristiyano. 

Kaya ayun nga, napagdesisyunan ko na dun na lang ako sa bahay manonood at susubaybayan yung mga speech at activities ni Pope. At kesa sa makita siya ng personal to be "blessed," sa tingin ko, mas gugustuhin niya na sundin ko na lang yung mga pangaral niya. 

At isa sa mga pangaral niya na tumatak talaga sa akin at susundin ko kahit hindi ko nakasanayan sa loob ng maraming taon, ay ang tungkol sa pagtanggap ng komunyon. It was something na narinig ko mula sa isa sa mga pari na invited ng ABS-CBN, na nabasa ko na rin sa 'Evangelii Gaudium' ni Pope noong ginawang required reading iyon sa aming mga teacher nung nagpa-contest yung pari namin tungkol doon --argh, I am blabbering again. Anyway, the Pope says that:
"The Eucharist is not a prize for the perfect, but a powerful medicine and nourishment for the weak."
Kasi hindi talaga ako pumipila para sumubo ng ostiya kapag may misa sa school. Kasi, naiisip ko yung old school na turo sa amin sa Catholic school kung saan ako nag-high school. Na kailangan nakapag-confession ka bago ka pumila para sa komunyon. I'm very much a sinner, and for the longest time, I refused to take in the Eucharist because I feel "unworthy." At dahil nga nasa isa akong Katolikong institusyon pero hindi ako nagkokomunyon sa misa, this has even lead to my students thinking na anti-Christ ako *rolls eyes*

Pero dahil galing na nga sa pinuno ng simbahan ang utos na ituring bilang "gamot" ng kaluluwa ang ostiya, magko-komunyon na ako. 

Hindi ako relihiyosong tao, at nakakapagmisa lang ako kapag may misa sa school, kapag Pasko, o may a-attend-an akong binyag o kasal. Pero kung katulad naman ni Pope Francis ang leader ng Romano Katoliko, na mahal ang mahihirap (sa tunay na kahulugan nito), nakikipagtulungan sa ibang mga relihiyon, pinakikinggan at pinapahalagahan ang mga kabataan, may sakit at matatanda... Ang nagsasabi na hindi lang buong araw nasa loob ng simbahan si Hesus... Sa halip ay nasa kalsada siya, hinahanap ang mga nawawala at mga makasalanan niyang tupa... 

At dahil nakikita kong nagawa at ginagawa niya iyong mga tinuturo niya, bakit naman ako hindi susunod sa sinasabi niya? 


Photo Credit: gmanews.tv
Nakakatuwa kasi talaga si Pope dahil sa humility niya, na mukhang tinatablan ng hiya kahit kaunti yung mga politiko at mga elitista. Nung misa sa Tacloban at Luneta, I cluck my tongue gleefully upon seeing no VIPs were under an umbrella. Lahat, maski presidente ng Pilipinas AT si Kris Aquino, naka-raincoat at nakababad sa ulan habang nagmimisa si Pope. Hah.

Pero ang pinaka-paborito ko sa lahat, kapag nagsasalita siya ng Spanish. Kasi nakikita ko dun kung pano siya bilang guro, bilang pastor, bilang pinuno ng simbahang kinabibilangan ko. Nandun yung passion. Mas totoo, mas ramdam ko yung bawat salita. Siguro din kasi sa mga hand gestures niya, na nakuha niya siguro sa mga magulang niyang Italyano. 

Pinaka-iniyakan ko yung sa Encounter with the Youth sa may UST.  Natawa ako nung sabihin ni Pope na maliit  ang representation ng mga babae sa mga nagsalita-- eh iba daw ang prespective na ibinibigay ng mga babae. 

Thanks, Pope. Tama ka, macho at patriarchal kasi kaming mga Pinoy. But just like Jesus, who loved the children, the women, the old, and the sick, back in the times when they did not even belong in the ranks of a citizen, the Pope is now stressing their importance. Our importance. 

Gusto ko rin yung sinabi niya dun sa last na nagsalita na youth representative na isang Tacloban volunteer, si Rikki. Yes, sabi ni Pope, nagbibigay daw si Rikki ng tulong sa mga kababayan natin, pero marunong din daw ba siyang tumanggap?

Napaisip ako nun kasi... Dahil nga nagta-trabaho ako sa isang institusyon na nangangalaga sa mga mahihirap, pinabayaan, at inabusong mga kabataan, marunong nga ba akong tumanggap? Sa apat na taon na pananatili ko doon, nakinig nga ba ako sa kanila? Ano ang mga natutunan ko sa kanila?

Napa-reflect tuloy ako bigla noon kasi  akala ko, matutuwa si Pope kay Rikki. Akala ko sasabihin ni Pope na isa siyang ehemplo ng kabataan. Pero, meron pa rin palang kulang. Hindi pala yun natatapos sa pagtulong. Dapat ding matutong tumanggap.

Nakiiyak ako kay Glyzelle na taga-Tulay ng Kabataan ng tanungin niya ang Santo Papa kung bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari sa kanya yung mga pangit na nangyari sa kanya. Kung bakit kaunti lang yung tumutulong sa kanila--

I know their stories all too well. So I was really touched when she was hugged by the Pope. Pakiramdam ko, yung yakap na yun, para na rin sa lahat ng batang kalye na Pilipino. Ayan... Naiiyak na naman ako...

*inhale, exhale*


At ayun... Bukas na ang alis niya. As usual, aantabay na naman ako sa TV para "ihatid" siya in spirit. At alam ko sa puso ko, na kahit umalis na siya at nakabalik na ng Roma, hinding-hindi ko makakalimutan yung palagi niyang hinihiling:


  

I will always pray for you, Pope Francis. Salamat sa pagbisita at pagbabahagi ng kabanalan, kabaitan, at kababaang loob mo sa aming mga Pilipino. 

Mahal na mahal ka namin.

Wednesday, January 14, 2015

The Need to be in Love

It's been a long time since I felt the butterflies...

Saturday, January 10, 2015

Treasure vs. Time

Photo Credit: cnn.com
Noong nagtuturo pa ako ng sibika, at ngayon na nadagdag sa subjects ko ang religion, lagi kong isinasama ang buhay ni Pope Francis sa mga topic ko. 

Nasundan kasi namin ng mga estudyante ko sa pagtalakay namin ng current events ang resignation ni Pope Benedict XVI, ang pagbuo ng conclave, ang mga papabile, at ang pagkaka-elect noon ni Pope Francis.

Inalam ko at itinuro sa mga estudyante ko ang uri ng buhay, pananampalataya, at paniniwala ni Pope Francis, lalo na noong Cardinal Bergoglio pa siya ng Argentina. Na nasa simple lang siyang tirahan, sumasakay ng subway, nakikisalamuha sa mga bata at mahihirap-- iyong mga bagay na itinuturo sa simbahan, ginagawa niya, kahit cardinal na siya. 

Habang tumatagal siya sa posisyon niya bilang pinakamataas na pinuno ng simbahan, mas lalo akong namamangha sa kanya. Napaka-liberal na pinuno, at hindi ang institusyon ng Katolisismo ang ididikdik sa iyo, kung hindi yung mga bagay na nakakalimutan na ng tao: pagmamahal sa kapwa.

What's not to love about him?


Dito ko lang aaminin, pero kapag nakakabasa ako ng mga heartwarming words ni Pope Francis, nakakapanood ng mga video tungkol sa kabaitan at pagsisilbi niya bilang alagad ng Diyos, nakakakita ng mga picture kagaya ng nasa simula ng post na ito, naiiyak ako. Ganun ang epekto sa akin ni Pope.

Just imagine kung gano yung tuwa ko ng malaman na pupunta siya sa Pilipinas. Tapos sinabi sa amin na kasama yung NGO namin sa mga naimbitahan para sa pagdating niya. Ilan sa mga bata namin ang ma-swerte na makikita si Pope ng malapitan, meron namang magti-tiyaga na lang sa TV.

At ako? Kaming mga teachers, social workers, office staff? Hindi kami kasama. Mangilan-ngilan lang, bilang na bilang na bilang sa staff ang isasama, kahit na may mga passes naman para sana sa chaperone ng mga bata. Bakit?

Kasi IBINIGAY YUNG MGA PASSES SA MGA BENEFACTOR NAMIN.

Masama ang loob ko kasi... Kasi napatunayan ko na marami talagang pagkakataon sa mundo na mas nahihigitan ng pera ang serbisyo. Sa kaso namin, kaming mga staff na nag-aalaga at nagtuturo sa mga bata, wala pa rin pala kaming kwenta sa mata ng mga nasa itaas ng institusyon. Dahil mas mahalaga sa kanila ang mga mayayamang nagbibigay ng mga pera para sa araw-araw naming operasyon. Sino nga ba naman kasi kami? Ano nga ba naman iyong serbisyo, pagmamahal, at perang nailalabas namin (paminsan-minsan)para sa mga bata?

Wala kaming halaga kumpara sa mga benefactor. Walang-walang-wala kami.

At ngayon, wala akong maisip na kaibigan na papayag sumama sa akin sa Luneta. Pag-iisipan ko pa kung kakayanin ko iyon ng mag-isa.

Wednesday, January 7, 2015

The Amazing Praybeyt Benjamin



Fan ako ni Vice Ganda. Napapatawa niya kasi ako. Minus sa green jokes niya at mga panlalait sa itsura, I find his humor witty. Humor ko rin kasi ang sarcasm.

Pero hindi ako natuwa ng manood kaming apat--ako, kapatid ko, at sina Mamu at Dadu, ng 'The Amazing Praybeyt Benjamin'.  Overexposed na kasi yung ibang scenes dahil sa teasers. Alam mo na agad yung joke. Tapos nailang ako sa mga sexual innuendos, eh andaming mga batang nanonood. Merong mga eksena na nagbigay sa akin ng pakiramdam nung nagkamali kami nina Daddy na manood ng Moron 5. Yung napipikon ka na kasi mukhang tanga lang talaga yung mga eksena. Face palm inducing moments bah.

Mas gusto ko pa yung naging interview ni Vice Ganda kay PNoy sa Gandang Gabi Vice eh. He seemed so smart, tactful, and funny. Doon, tawang-tawa talaga ako. 

Nakakapanghinayang yung 200 pesos...

Next week, Feng Shui 2 naman ni Coco my labs ang papanoorin namin.

(P.S. May naalala akong pangyayari sa school. Yung latest newbie teacher namin, si Ma'am S, pinilosopo a la Vice Ganda yung isang estudyante niya. Tinanong kasi siya nung isang estudyante, kung ano'ng gagawin dun sa quiz paper nila. Imbes na sagutin ni Ma'am S ng maayos na "Ipapasa nga forward," ang sinagot niya sa estudyante: "Kainin mo." At ang ginawa ng estudyante? Kinain nga yung papel. Hahahahaha...hah.)



Saturday, January 3, 2015

Kubot: The Aswang Chronicles


Ang 'Kubot' ang pinakaunang entry sa MMFF 2014 na napanood ko. Dapat, yung 'Praybeyt Benjamin' nung Pasko (paborito kasi ng tatay at nanay ko si Vice Ganda), kaso OA yung dami ng tao sa sinehan nung pasko. 2PM pa lang, pero yung binebentang tickets, pang 7:30 PM na. At after pa yun ng pakikipagsagupaan sa isang kilometrong pila para pa kumuha ng tiket. Tapos pila pa uli sa labas ng mismong sinehan kung saan ka manonood, kasi free seating. Isang malaking hula-baloo, kaya gumala at kumain na lang kami sa mall. Tapos bumili ng lang kami ng DVD, at nanood ng Jackie Chan movie na CZ12 at the comfort of our sala. Ayuz.

But I digress.

Okay naman yung Kubot. Kasama kong nanood yung kapatid ko (nilibre niya ko, tutal naman apat na beses na mas malaki ang sweldo niya kesa sa sweldo ko, hehe). Nag-agree kami pareho na magaling yung scriptwriter ng Kubot. Mapapailing ka nga lang sa acting ng ilan, at madami sa mga nandung artista, pwede namang wala na lang dun. Mas magaling pang umarte yung mga support kesa mga main actor eh (yeah, I'm lookin' at you, Isabelle Daza). 

Anyway, isa rin pala sa mga kinatuwaan namin ay yung character design nung aswang dun sa movie. Yung may buhok na makapal, gumagalaw, at parang may sariling buhay. Cool yun. Ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng aswang.

Cool din yun mga bitaw ng linya ng ilan (yung mga tunay na aktor, op kors). Katulad na lang ni Lotlot de Leon. Na habang tulirong-tuliro kung paano kukumbinsihin sina Dingdong Dantes at Joey Marquez to have the balls to help out a certain aswang, sabi niya in full conviction : "Kaya tatandaan mo anak, ang nanay mo, may bayag!"

Rakenrol.