Saturday, January 31, 2015

Ang Fallen 44 at Isang Commercial Break

Kaninang umaga, sigurado na ako na magsusulat ng isang post tungkol sa apatnapu't apat na PNP-SAF na namatay sa Mamasapano. Apektado kasi talaga ako sa nangyari.

Pero may nangyari kasi kaninang hapon. At mapapanis yung pakiramdam kung sa Wednesday ko pa ito ipo-post. Kaya bago yung mabigat sa pakiramdam na post ko about the Fallen 44, commercial break muna:

Nasa mall ako na malapit sa 'min kanina. At dahil bibili lang naman ako ng ilang mga gamit para sa school (in-chrage kasi ako sa 'Arts and Culture' month this February), hindi na 'ko nag-effort mag-ayos. Souvenir shirt mula Palawan, black leggings, at tsinelas. Yung buhok kong sabog, hinayaan ko lang na nakalugay. Running errands lang naman ako. Kebs na ang 'au naturel'.

Eh kaso, bigla kaming nagkasalubong ni A sa National Bookstore-- si A, na inirog ko rin ng matagal-tagal na panahon simula noong high school, magpa-hanggang college, maski hanggang nagsimula na akong magtrabaho. Si A na laman ng mga blog post ko sa Friendster noon. Si A na hiniram ko ang mismong apelyido para sa pen name ko. 


Si A na kinasal kamakailan lang, sabi ng nanay ko. Nagbebenta kasi sa junk shop namin yung tatay ni A... at yun. Ayun.

December 2013 ko pa siya huling nakita, kahit nasa iisang barangay lang kami. Tanda ko kung kelan kasi, yun yung araw na kinasal yung isang high school classmate/common friend namin. Yun yung muntik nang siya yung makakakuha ng garter, at ako yung lecheng nanalo (natalo?) sa game para naman sa bouquet ng bride. Kapaan pa naman yung ng katawan nung lalaki habang naka-blindfold yung single girls. Pfft.

Anyway, sakit ko na ang pag-digress, sorry. 

Ayun nga, nagkita kami kanina. Ako yung naunang pumansin sa kanya. I noticed he was still wearing his scrub suit pants (he works as a nurse), and he's grown stubbles that make him look...manlier. Sexier. (Aysos.)

I saw him checking me out, at dun ako nagsisi kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na magkikita ulit kami, iyong mga oras na iyon pa: with my lion hair, bare faced, and with one nagsusumigaw na tagyawat. Kainis.

He asked me kung dun pa rin ako nagta-trabaho, mukhang nagulat nang sabihin ko na teacher pa rin ako sa NGO, as he held my forearm for a second, and tapped by shoulder as we said good bye. Ang touchy!


And so, my emotions were stirred. Not shaken, just stirred.


*** End of commercial break. ***



Noong una kong marinig ang balita tungkol sa SAF 44, I was not moved. They were mere statistics for me. Nakakalungkot mang isipin, pero medyo common na kasi ang balita tungkol sa  mga namamatay sa gulo sa Mindanao. And after the horror of Maguindanao massacre, it would take a lot for me to feel deeply moved about the news from down south. 

Pero sa pagkakataong ito, I think the media played it well. Nang ipakita na kasi sa evening news isa-isa yung mga larawan ng napatay na SAF commando, dun na ako naiyak at sumaludo sa TV screen. Kasi hindi na sila statistics, hindi na sila numero. Nagkaroon na sila ng mukha. Nakita ko na sa isip ko ang mga pamilya, asawa, mga anak nila. Na-imagine ko na ang mga huling sandali nila sa mundo, sa ingay ng mga putok ng baril, sakit ng pagtama ng bala sa katawan, ang kamatayan ng mga kasama nila. 

Hindi ko alam noon ang tungkol sa Special Action Forces unit ng PNP. Pangit at stereotypical ang opinyon ko noon sa lahat ng pulis-- at naisip ko pa nga noong dumating ang Santo Papa at noong pinakita sa TV yung pang-aaway ng isang ale sa pulis na nagbabantay, na baka kung sundalo yung nandun, baka hindi ganun na lang kung sagut-sagutin nung ale yung kausap niya. Para kasing... mas kagalang-galang yung imahe ng mga sundalo kesa mga pulis.

Pero nagbago na ang opinyon ko sa kapulisan ngayon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na isa sa mga napikon nang hindi pumunta si PNoy sa Villamor Airbase noong lumapag ang eroplano na may dala ng mga casket ng 42 sa Fallen 44. I voted for PNoy. Hindi isa sa mga hobby ko ang tumuligsa sa kanya. Para sa 'kin, I'd rather have him as the President, kesa si Erap. O GMA. O Villar. I'm not a fan, but I find his presidency tolerable than the last two that this country has had.

Kaya lang, nag-init talaga ang ulo ko nang hindi siya magbigay kahit 30 minutes man lang ng ginintuan niyang oras para sumaludo sa mga pulis na iyon. Siya ang commander-in-chief nila. They died for this country. Tapos nasaan siya? Nasa isang car show sa Laguna? 

For the Fallen 44, may you rest in peace. Ipagdarasal ko rin po ang mga pamilya ninyo. Ang buong institusyon po namin: mga staff, teachers, at mga kabataang inaalagaan namin, ay nagdasal din para sa inyo at para sa inyong mga pamilya sa misa namin kahapon. Sa apat na taon ko po na pagta-trabaho doon, dalawang beses ko pa lang po nakikitang umiyak ang pari namin. At kahapon po ang isa doon, habang sinasabi niya sa amin ang kabayanihan ninyo. 

I can only dream to have even a drop of your insurmountable patriotism and love for this country.

Maraming, maraming salamat po sa pag-aalay ng inyong buhay para sa Pilipinas. 


Art by: KaJo Baldisimo

No comments:

Post a Comment