Photo Credit: cnn.com |
Nasundan kasi namin ng mga estudyante ko sa pagtalakay namin ng current events ang resignation ni Pope Benedict XVI, ang pagbuo ng conclave, ang mga papabile, at ang pagkaka-elect noon ni Pope Francis.
Inalam ko at itinuro sa mga estudyante ko ang uri ng buhay, pananampalataya, at paniniwala ni Pope Francis, lalo na noong Cardinal Bergoglio pa siya ng Argentina. Na nasa simple lang siyang tirahan, sumasakay ng subway, nakikisalamuha sa mga bata at mahihirap-- iyong mga bagay na itinuturo sa simbahan, ginagawa niya, kahit cardinal na siya.
Habang tumatagal siya sa posisyon niya bilang pinakamataas na pinuno ng simbahan, mas lalo akong namamangha sa kanya. Napaka-liberal na pinuno, at hindi ang institusyon ng Katolisismo ang ididikdik sa iyo, kung hindi yung mga bagay na nakakalimutan na ng tao: pagmamahal sa kapwa.
What's not to love about him?
Dito ko lang aaminin, pero kapag nakakabasa ako ng mga heartwarming words ni Pope Francis, nakakapanood ng mga video tungkol sa kabaitan at pagsisilbi niya bilang alagad ng Diyos, nakakakita ng mga picture kagaya ng nasa simula ng post na ito, naiiyak ako. Ganun ang epekto sa akin ni Pope.
Just imagine kung gano yung tuwa ko ng malaman na pupunta siya sa Pilipinas. Tapos sinabi sa amin na kasama yung NGO namin sa mga naimbitahan para sa pagdating niya. Ilan sa mga bata namin ang ma-swerte na makikita si Pope ng malapitan, meron namang magti-tiyaga na lang sa TV.
At ako? Kaming mga teachers, social workers, office staff? Hindi kami kasama. Mangilan-ngilan lang, bilang na bilang na bilang sa staff ang isasama, kahit na may mga passes naman para sana sa chaperone ng mga bata. Bakit?
Kasi IBINIGAY YUNG MGA PASSES SA MGA BENEFACTOR NAMIN.
Kasi IBINIGAY YUNG MGA PASSES SA MGA BENEFACTOR NAMIN.
Masama ang loob ko kasi... Kasi napatunayan ko na marami talagang pagkakataon sa mundo na mas nahihigitan ng pera ang serbisyo. Sa kaso namin, kaming mga staff na nag-aalaga at nagtuturo sa mga bata, wala pa rin pala kaming kwenta sa mata ng mga nasa itaas ng institusyon. Dahil mas mahalaga sa kanila ang mga mayayamang nagbibigay ng mga pera para sa araw-araw naming operasyon. Sino nga ba naman kasi kami? Ano nga ba naman iyong serbisyo, pagmamahal, at perang nailalabas namin (paminsan-minsan)para sa mga bata?
Wala kaming halaga kumpara sa mga benefactor. Walang-walang-wala kami.
At ngayon, wala akong maisip na kaibigan na papayag sumama sa akin sa Luneta. Pag-iisipan ko pa kung kakayanin ko iyon ng mag-isa.
At ngayon, wala akong maisip na kaibigan na papayag sumama sa akin sa Luneta. Pag-iisipan ko pa kung kakayanin ko iyon ng mag-isa.
No comments:
Post a Comment