Kaya isa sa mga inaabangan namin ang bakasyon ng tag-araw. Time to reboot, ganern. At syempre, dahil sa 30-day vacation leave na ibinigay sa amin ng aming institusyon, nilubos ko talaga ang bakasyon. Enough para sabihin sa 'kin ng tatay ko na: "Hindi kaya nasosobrahan ka na sa gala, anak?"
First up: Calaguas Island, Camarines Norte.
Kasama ang dalawa sa small circle ng high school friends ko (we're only five in the barkada), naging joiner kami sa isa pang group through Tripe 8 Travel and Tours. Ang mga kasama namin sa van: babies. Este, newly grads na kabataan. (Aside: We were hoping kasi to be with guys na pwedeng, uhm, karirin. hehe)
Eight hours of land travel + two hours sa bangka = Arrival at the Tent Island of Calaguas
Powdery sand na ala Boracay daw (sabi ng friends ko, di pa naman ako nakakapunta ng Bora), at hindi pa masyadong commercialized, so sa mga tent-tent pa natutulog ang mga tao. One more thing: WALANG SIGNAL don. Kaya masaya! Nag-uusap ang mga tao, at kung hawak man ang phone nila eh para mag-picture o maglaro siguro. Pero hindi ang kumausap ng ibang tao kundi ang kasama nila doon. Nice 'di ba?
Meet R, my mermaid friend :)
Day 1 was spent swimming, at dahil na-late kami ng dating sa isla dahil sa kagagawan ng driver namin (mahabang kwento; basta ang ending, napapayag namin siyang ilibre na lang kami ng GSM blue kapalit ng good review pa rin sa kanya), kaya nung gabi, habang hinihintay namin ang birthday ni R sa sea shore, umiinom kami ng GSM blue with pomelo juice na chaser under the stars. Naka-anim akong falling stars na nakita. At isa lang ang winish ko: BOYPREND. O 'di ba, desperada? Hindi man lang world peace. Hah.
We started our Day 2 here:
We left the island before noon. At para daw mas memorable itong trip namin according sa universe, NA-STRANDED KAMI SA GITNA NG DAGAT. Well, hindi naman talaga gitnang-gitna. May 30 minutes pa ang layo namin mula sa pier (pier nga ba tawag dun?) , at sumalabid na sa mababaw na part yung ferry na sinasakyan namin. At dahil lagpas kalahating oras na kaming stranded, ang naisip nilang paraan ay tawirin namin yung dagat papunta dun sa malapit na little isla para dun kami susunduin ng mas maliliit na bangka. Kayang-kaya naman daw namin, hanggang tuhod ng ibang tao yung tubig, at mababaw lang naman daw (hanggang hita ko yon, mga leche sila). Kaya ayun, para kaming mga Israelita na nilakad ang Red Sea, dala ang mga gamit namin.
(Naniwala ka ba sa part na yun ng post na ito kahit wala akong picture? Pinag-uusapan namin ni R ang internet rule #7832 na 'if you got no photo of it, it didn't happen' chuva)
Anyway, nakapag-surf pa yung mga kiddos na kasama namin sa may isang part ng Camarines Norte (part ng package), and we were able to get home at the wee hours of May 9, election day.
My Calaguas adventure in seven words: "My first time sleeping inside a tent."
Rakenrol.
No comments:
Post a Comment