Saturday, May 28, 2016

Summer Adventure #3: Vintage City of Vigan

"IKAW LANG MAG-ISA??"

May-ari ng transient, tour guide, service crew sa Jollibee, nanay na nakatabi ko sa karinderya, mama na pinagtanungan ko ng direksyon, tricycle driver, security guard ng museum-- they all felt the urge to ask if I was really alone, and WHY THE HELL AM I ALONE VISITING VIGAN?

Writer ako, pero ngayon ko pinagsisisihan na hindi ko nakaisip that time ng makulay na sagot sa kanila. Yung iba kasi nginitian ko lang, at yung iba sinagot ko lang ng simpleng 'Opo.' Sana pala, sinabi ko nag-away kami ng jowa/asawa/friend ko na dapat kasama ko dun. O kaya andun ako para mag-research tungkol sa mga multo. Pwede rin sana na sinabi ko sa kanila na mamamatay na ako at nasa bucketlist ko ang pumunta ng Vigan--ummm... nah.

Anyhoo,  ayun nga, nagpunta ako ng Vigan mag-isa. Umalis ako ng Thursday night via Partas bus, at dumating ako don ng umaga ng Biyernes. Walong oras na biyahe sa malamig na de luxe bus--at wala akong nadalang makapal na balabal o jacket. Frozen porcupine meat ako sa tuwing lalabas ng bus para sa stop over.

Upon arriving in Vigan, napag-alaman ko na nasa labas pala ng city proper yung transient na dapat pagsi-stay-an ko, kaya sinubukan ko maghanap muna ng hotel/transient na malapit. Nakailang tanong din ako bago napagod at na-frustrate, kaya nagpahatid na lang ako sa tricycle papunta sa original transient ko-- na apparently ay hindi pa rin pala ako na-reserve-an ng kwarto, at ni-refer ako sa isa pang transient a few meters away. Finally, I settled in Arcellana's. Pang-tatluhan yung kwarto na ibinigay sa 'kin; fan room at 250 per night. Afford na afford para sa nagdarahop na biyaherang tulad ko.

Nagpahinga lang ako ng halos isang oras, ta's gala na agad. I was not so keen on riding a kalesa (felt it was sort of animal cruelty-- ang kawawa tingnan ng mga kabayo pag tiningnan mo ng malapitan, lalo na yung higpit ng bakal na nagsi-stretch sa bibig nila) kaya tricycle ang ginawa kong means of transpo. May mga nag-offer na 500 pesos daw, sa lahat na yun ng tourist spots, but I wanted to be in charge of where to go (this site *link* was really helpful), kaya nangontrata na lang ako ng tryk para ihatid ako sa gusto ko lang puntahan on that Day 1:

Bantay Church Bell Tower

Pinagdududahan ako ng co-teachers na may kasama daw ako kasi may nagpi-picture sa 'kin. But nah, the introvert me was able to chika the pretty Tourism student in her OJT stationed at the church bell tower. Rizelle daw yung name niya. And though para siyang nagre-recite sa classroom pag binabanggit niya na yung bawat bells daw dun ay may function (para sa kasal, sa patay, kapag may emergency, etc.), ini-enumerate ang materials na ginamit para sa structure na iyon, at itinuro niya ang Baguio na tanaw na daw from where we're at, eh siya ang naging official photographer at tour guide ko doon (nang libre, I tell you!) Sinamahan pa niya ako at t-in-our sa iba't ibang parts ng St. Augustine Church, and told me to say my three wishes sa patron nila.





check-out the quote above me -- para sa mga taong gala :)



I brought my Fuji Instax that trip (vintage city deserves a vintage camera of some sort), so as a thank you gift, I shot her sa camera ko and gave her the copy. Mukha naman siyang natuwa.


Syquia Mansion

Si Madam Susan naman, na I think caretaker (o bantay lang sa tourists, not so sure) ng Syquia Mansion ang naging photographer ko sunod. Mukha lang siya masungit, pero siya pa nga yung nag-offer na kuhanan ako ng picture, ng makita niyang nagsa-struggle ako sa pagta-timer sa digicam na dala ko (wala akong talent sa pagse-selfie). 




electric fan nila noon yung kurtina na nasa taas ng dining table; hinihila daw yan ng mga katulong noon para paypayan ang mga may-ari ng bahay habang kumakain


Hole-in-a-Wall Karinderya

Nung tanungin yung tryk driver na sinakyan ko from Syquia Mansion kung saan may masarap kainan pero mura lang, dito niya ko dinala:


Di ko sure kung ano ibig sabihin niyang signage, pero wala talaga akong nakitang pangalan ng kainan na yun except diyan. For sixty pesos, meron na kong kanin, sinigang na bangus, 7up, at saging for lunch. Ayos. May naka-chikahan pa 'kong retired na teacher na hindi makapaniwala na mag-isa lang akong nagbyahe mula Manila. Buti daw pinayagan ako ng mga magulang ko. Nung sabihin ko sa kanya ang edad ko, sabi niya "Ha? Akala ko teenager ka lang!" Muwahahahaha.


National Museum


From my lunch, nilakad ko lang papunta ng branch ng National Museum sa Vigan (turo rin ni kuya manong tryk driver earlier). Doon, may naka-chikahan din akong isa sa mga security guard (my God, I'm so like extrovert that day), pero ang pinag-usapan naman namin eh pulitika--specifically, the Marcos versus Robredo 'thingy'. Maka-Leni ako, so nakikinig lang ako sa kanya sa pagra-rant kung paano dinaya si Marcos. Hehe. 

hand drawn certificate for Elpidio Quirino
(aka doodle for the president)
basi (wine of Ilocanos) jars 
one of the series of old paintings on
how the Vigan people fought (and lost) to Spaniards
May isang exhibit akong gusto lang tungangaan maghapon doon -- yung kay Benigno Toda III. Ang ganda ng nature photography niya, kaso hindi magawan ng justice ng camera ko kaya di ko ma-picture-an ng maayos. Basta, kapag tumintingin ako sa mga naka-frame niyang gawa, parang nagsisilbing portal yun at napupunta ako sa lugar na yun. Astig.






sunrise at Mt. Pulag

After that, tumambay muna ako sa plaza, nagtingin ng mga pwedeng pasalubong na mabibili sa Calle Crisologo-- 







...dumaan ng St. Paul Cathedral, tapos umuwi na rin ako sa transient around 6pm. Naligo, nag-try magsulat, nagbasa ng 'Fairy Tale Fail' ni Mina Esguerra, at natulog na rin ako eventually-- but not until I scared myself to sleep. Ang hirap pala matulog mag-isa sa isang kwarto na pang-tatluhan talaga. Nakaka-praning. (Aside: I don't watch horror movies dahil duwag ako, so I think that night in that transient was the scariest night of my life. End aside.)

Are you still reading? Ang haba na nitong post ko. Sorry, I find it hard to shut up about stuff I love. Please indulge me... and lemme write a part 2 for Day 2?

No comments:

Post a Comment