Photo Credit: Rappler.com |
Nanood ako kahapon ng 'Penguins of Madagascar' movie sa sinehan. Mag-isa.
Muntik na nga akong mag-back-out. 7PM yung simula ng palabas, at 6:45 ako pumasok. Kaso, AKO LANG MAG-ISA YUNG TAO SA SINEHAN. Kahit naman anong lakas ng loob ko (kuno), marunong pa rin naman ako matakot. Pero hindi muna ako lumabas, nag-CR muna ako. Medyo nakahinga ako ng maluwag nung may pumasok na taga-linis sa loob. Ambobong tanong, pero tinanong ko pa rin siya kung safe nga ba na manood ako mag-isa. Sabi niya, oo naman daw. Tapos habang nag-uusap kami, may pumasok nang ibang mga moviegoers. "Ayan, sama ka na lang sa kanila," sabi ni ate. Nag-thank you na ako sa kanya tapos bumalik na ko sa loob. Naisip ko nun, sa wakas, dumating na rin yung dalawa sa apat na nagpa-reserve ng seats na nakita ko nung bumili ako ng ticket. Akala ko no-show na sila eh.
Kaso parang tatlo yung ulo ko nung tingnan ako ng dalawang babae nang maupo ako sa may bandang unahan. Na-wirduhan siguro sa akin. Oh, well. Kebs na lang. Ako nga nawi-wirduhan na minsan sa sarili ko eh.
After some time, may mga dumagdag pa rin naman na mga manonood ng pelikula. Dalawa o tatlong pami-pamilya, dahil pambata naman talaga itong 'Penguins'. (Aside: yung last na pelikula na napanood ko mag-isa ay yung Rurouni Kenshin, pero marami naman akong kasabay manood nun. End aside.)
Ngayon, ano bang nakuha ko sa pinanood ko? Bukod sa cuteness overload, natuwa ako sa ginawang treatment kay Private, na binigyan ng time to shine sa pelikula. I was also touched at the moment when Skipper let down his pride for Private to be saved. Magandang inciting incident for character development. Ang cool nga rin pala nung nagboses sa baby seal. Hindi ako maka-move on sa pagta-tantrums niya. Hahaha.
Hindi ko pa yata nababanggit, pero two years ago, nag-aral ako ng voice acting and dubbing. Kaya natutuwa ako sa mga nagboboses sa mga cartoons at tagalized series. I had a glimpse kasi of what they do for that two months worshop I had. Na-experience ko pa nga mag-dub para sa isang bit part sa Amazing Spider Man sa ABS-CBN.
But I think the whole experience merits another post.
Anywaaaaaay... Nadala ba ako sa panonood sa sinehan ng mag-isa?
Ehhhhh... no.
At, oo nga pala. Merry Christmas sa 'yo. Salamat sa pagbabasa nito. <3
No comments:
Post a Comment