Saturday, December 31, 2016

My Five Favorite Pinay Beauty Youtubers

Nitong mga nakaraang buwan, medyo nag-aadik ako sa panonood ng Youtube videos kung paano mag-makeup. Gusto ko kasi ng new look na pak ganern. So I would binge-watch almost everyday, dahil nga late na ko sa bandwagon ng beauty vlogging chenes. At sa dami na ng napanood ko, I think can pretty much say I have my own favorites. 

Para sa 'kin, I choose the people that I watch as to how I choose friends. Yung gusto mo kung paano sila magsalita, yung choice of words nila, yung tono.. personality... ganun. And so far, sila ang mga kinatutuwaan ko panoorin, with my fave videos of them included: 

1. Anne Clutz : The Mommy

Love ko si Miss Anne kasi parang napaka-relatable niyang tao. Para siyang older friend na nagtuturo sa 'yo about makeup. Tas natatawa ako sa mga hirit niya na napaka-honest. Marami sa mga makeup ko, yung recommended niya; pareho kasi kaming oily skin  (shempre yung mga available lang sa mall, hindi pa 'ko komportable sa idea ng online shopping.)



2. Anna Cay : The Shala Girl

Si Anna Cay ay considered newbie pa sa beauty vlogging, (compared to let's say,  Anne Clutz), pero bongga siya sa achievements niya sa views o subscribers compared sa iba pang newbies. She's rich (halata sa mga gamit, damit, lifestyle niya) pero hindi siya mayabang o maarte o conyo. Parang siya yung mahinhin mong friend na (again) mayaman, pero simple lang. Kung si Madam Anne, nabibili ko pa yung mga drug store recomendations, si Madam Anna Cay ay... uhm, hanggang sa panaginip ko na lang mabibili ang mga holy grail n'yang makeup (haist!).  




3. Kris Lumagui : The (Very) Bubbly Guru

Nung una, ayoko kay Kris Lumagui. Naiingayan at nao-OA-an kasi ako sa kanya. Hahahaha. Pero, kagaya ng ilang mga paboritong tao ko sa mundong ito, she grew on me. I soon appreciated her-- her diction, her being a teacher, at yung creativity ng videos niya. Two of her videos that touched my heart were: 1) yung naiyak siya kasi dahil sa critics niya at tsaka kinukumpara niya yung sarili niya sa ibang mga Youtubers na mas madaming views kahit nauna pa siya o kasabayan lang halos niya (naka-identify ako kasi may ganun akong issue ngayon sa school); 2) nung namigay sila ng hubby niya nung Christmas eve (I think) ng mga eco bags na may pang-noche buena sa loob. Gusto ko yung gawing life goal. Cool.   




4. Raiza Contawi : The Skilled One

Kelan ko lang nasimulang panoorin si Miss Raiza, and I chose to include her on this list compared sa isa pang beauty vlogger na medyo matagal-tagal ko ring sinundan yung videos kaya lang naasar na ako sa kanya---ooops, about kay Raiza nga pala 'to. Anyhoo, si Madam Raiza, alam mo lang na MAGALING siya. Sa kanilang lima na paborito ko, siya talaga yung true-blue makeup artist (alam ko nagpa-part time din si Kris Lumagui, pero mas madalas kasi magbanggit si Raiza ng "I use this even sa mga client ko", kaya mas feel kong tunay na MUA siya versus someone na makeup enthusiast). Resourceful si Raiza sa paggamit ng makeup, at may color themes din yung ilang makeup videos niya, kaya naaalala ko sa kanya si PONY (makeup artist ng Kpop star na si CL).   




5. Raisa Tan: The Newbie

Si Raiiiiiisaaaaa. Ang cute niya. Newbie na newbie. Yung tipong hindi pa pak na pak ang makeup (aminado rin naman siya dun), pero matuto ka sa kanya. Halo ng maharlikang makeup at drugstore ang makikita sa videos niya, pero kagaya ni Madam Anne Clutz, parang ang honest-honest niya kapag nagre-recommend. Gusto ko rin yung skin care videos niya. I hope mas dumami pa yung subscribers niya kasi napi-feel ko talaga yung passion niya sa makeup vlogging. 




....and there you go! My top five pinay beauty vloggers, whom I'm really thankful for kaya madalas akong sabihan na blooming ng mga students ko ;) Although dahil din sa kanila kaya wala ako halos ipon ngayon taon, but *shrugs* a girl's gotta do what a girl's gotta do. Ngayon lang na I'm in my thirties that I'm beginning to learn and I appreciate makeup and... well, I'm really loving it :) 

Monday, December 26, 2016

For my forever muse


Monday, August 15, 2016

Habang Wala Pa Sila


M, a co-teacher of mine, introduced me to Juan Miguel Severo (his youtube videos, that is). Nasa TV pa noon ang 'On the Wings of Love', kaso hindi ako maka-Jadine, kaya hindi ako nanonood.

Pero nung ipanood sa 'kin ni M yung performance ni Severo ng "Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sa 'Yo", ayun, hindi na ako naka-move on sa kanya magpa-hanggang ngayon. Kahit hindi ako mahilig sa tula (dahil pakiramdam ko nililimitahan ng form nito ang mga emosyon at salita ko), naging fan ako bigla ni Severo. I bought his book, watched more of his videos, and followed him on my RSS feeder a.k.a. fake Facebook account.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang binasa paulit-ulit ang mga tula ni Severo. Pero muli't muli, bumabalik ako sa linyang ito mula sa "Ang Huling Tula..." na:


... Ayaw ko na maging mahalaga
Hindi ako salamin na matagal mo nang pag-aari
na titingnan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka...
     
       
Napasabi talaga ako ng "Tang-ina, ang ganda nun!" noong una ko 'yang marinig, at wala akong kebs noon kahit nasa Faculty room ako. Para kasi sa 'kin, that line summed up why I just don't get into romantic relationships that easy-- ayoko kasing pumasok sa isang relasyon para lang i-feed ang narcissistic tendencies ko. Although iba yung kwento ng tula sa interpretasyon ko... pero ganun naman talaga ang art 'di ba?


P.S.

Pinahiram ko sa kapatid ko yung book. He thought this page was a free verse poem. Nagtataka daw siya kung bakit parang walang sense yung tula kahit na anong isip ang gawin niya--




...At saka na lang niya napagtanto nung nilipat niya yung page na Table of Contents pala 'yan. Hahahaha. 

Hindi ko rin naman masisi yung kapatid ko (na hindi naman talaga palabasa ng mga libro to begin with; musical ang intelligence at inclination niya) kasi kakaiba naman talaga yung book design/format ng 'Habang Wala Pa Sila.' Saktong artsy na dark na ewankobadunbastaangganda. 

Tuesday, May 31, 2016

Summer Adventure #3: Vintage City of Vigan (part 2)

I love vintage stuff -- siguro dahil kinu-consider ko ang sarili ko na 'old soul'-- basta may kakaibang pang-akit sa akin ang mga lumang bagay at lugar. And because I can't shut up *hyperlink* about Vigan, here's the kwento of how I spent my Day 2:

Breakfast at Plaza Burgos

After I've checked-out at Arcellana's around 7:30am, I asked the tryk driver to bring me to Plaza Burgos. Sa mga karinderyang kabilang kalye lang ng McDo at iba pang fast food chain ako nag-almusal. Sa halagang kwarenta pesos, may goto na 'ko (may giniling, lamang loob, at kalahating itlog) at isang bote ng mineral na dinala ko rin hanggang Baluarte. Sulit na sulit.



view from my breakfast table

St. Paul Cathedral

Ito ang default homebase ko sa city proper. Hindi ko alam kung kasalanan bang gawing tambayan ang simbahan, pero mas gusto ko kasi dun kesa sa park. Sa simbahan, pwede kang tumulala sa altar na walang papansin sa 'yo. Sa ibang lugar kasi, kapag napupunta ako sa tulala zone, minsan hindi ko napapansin na may mga tao na pala ako na natitingnan, na akala nila sila yung tinititigan ko, which would eventually lead to very awkward moment. Isa pa, ang ganda ng katedral nila. Favorite ko ang mga katedral na may mga pulpito-- nai-imagine ko ang mga matatabang prayle na nagmimisa sa mga Pilipino tungkol sa mga demonyo, pagbibigay ng abuloy sa simbahan, at ang pagiging makasalanan ng mga indio. Heh.





Baluarte


Isa sa mga bonding time ng pamilya namin ang manood ng National Geographic Channel, NatGeoWild, at Animal Planet. Athough tatay ko talaga ang may trip sa anumang may kinalaman sa kahayupan (ang trip naman ng nanay ko eh Philippine showbiz at mga halaman), nahawa na rin naman kaming magkapatid sa kanila. 


Kaya ganun na lang ang kagustuhan kong ipa-assassinate si Chavit Singson dahil sa African Safari exhibit niya sa Baluarte. Dahil balewala ang mga buhay na hayop niyang dun kung nagbabayad naman siya para pumatay ng marami sa kalahi nila. Like a FREAKING AFRICAN ELEPHANT. O yung rhinoceros na pinaka-mahal daw sa lahat ng hayop na naka-display dun, sabi ng tour guide na nakausap ko. Hindi ko matingnan ng derecho yung balat ng tiger na nakaladlad sa gilid na parang wala lang. Na parang hindi balat ng isang almost near to extinction na animal ang naka-display doon.







pumbaaaaaaa *sobs*

Kaya tuloy habang tinitingnan ko sa mata yung mga pugot na ulo ng mga hayop na naka-display sa exhibit, sinasabi ko sa kanila (sa isip ko lang naman), "'Wag ka mag-alala, sigurado namang pupunta sa hell yung gumawa sa 'yo niyan."

And with that, Baluarte became my most hated place in Vigan.


Hidden Garden

It started daw as a private property, hanggang sa i-develop na rin as a tourist spot. My mother would've loved it there, and would surely fawn over the bonsais and the flowering plants. Ako, sakto lang naman. Ni-recommend ni Rizelle (Bell tower tour guide ng Day 1) na kumain sa Hidden Garden dahil masarap daw pagkain dun, kaso hindi kasi ako masyadong comfortable sa restaurant na andun... masyadong.. sosyal. At hindi solo traveler friendly ang nasa menu nila. Kaya balik tuloy ako sa city proper para mag-lunch.






Lunch at Cafe Leona was uneventful. Good for 2-3 persons yung ulam na pininyahang manok ('pineapple chicken' sa kanilang menu) , at dagdag ang banana shake na inorder ko,  paid for whopping 300 pesos for that lunch. Buti na lang masarap yung shake, at medyo homey yung lugar kaya.. pinikitan ko na lang yung presyo. Pina-take out ko yung tirang ulam ko, and gave it to the old man selling candles in front of St. Paul Cathedral.

Crisologo Museum

Criosologo Museum felt cramped-- ito raw ang dating bahay ng governor ng Ilocos Sur, and I guess sa family din nila nakapangalan ang famed Calle Crisologo of Vigan. Medyo mas malaki kesa sa Syquia Mansion, the Crisologo Mansion had girls' bedroom, boys' bedroom, and master's bedroom. Cool din yung mga sinaunang kitchenware at CR nila. The labels all around the place just kills the old age feel of the place. Para sa 'kin lang naman. 











The Fast Food Chains

Nakakatuwa yung itsura ng mga kilalang fast food chain and restaurants sa Manila. Yung branch nila kasi sa Vigan, talagang sinusunod nila sa theme ng city na old and vintage. Cool lang.



exterior, Max's Vigan
interior, Jollibee Vigan
exterior, Mang Inasal Vigan


Calle Crisologo after the rain

Lumipas ang ikalawang hapon ko sa Vigan sa pamimili ng pasalubong sa Calle Crisologo, pagsisimba sa katedral, at pagkain sa Mang Inasal branch along Calle Crisologo.

Kaya lang, sakto sa pagtapos ko ng pagkain ang pag-ulan ng malakas sa buong city proper. Napasilong tuloy lahat sa gilid-gilid na bubungan. May dala naman akong payong, pero yung ulan eh yung tipong kahit may payong ka eh mababasa ka rin, kaya kagaya ng iba, pinili ko na lang na hintayin na medyo tumila yung ulan. Besides, ang ganda pala talaga ng Calle Crisologo kapag gabi. Laging umaga o hapon ako nagagawi dun, at iyon ang unang beses na nakita ko siya nang madilim. Ang ganda ng malamlam na ilaw, at ang repleksyon nila sa basang kalsada. Internally, I was giggling in sheer delight (peram ng linya, Sir Ely). Ang ganda-ganda-ganda, almost even magical, ng Calle Crisologo pagkatapos umulan. 





Dancing Fountain Show

Mula Calle Crisologo, nilakad ko na lang papuntang Plaza Salcedo kung saan nandun yung Dancing Fountain. Halos kasisimula lang din ng show pagdating ko, and I would know kasi dun sa nakahiwalay na leveled part ng fountain, biglang umilaw yung sahig, at napa-backward step ako ng maalala na nung umaga, napansin ko nga pala yung mga butas na 'yon. Sumirit nga yung tubig sa mga butas, and otehr tourists weren't as lucky-- nabasa sila ng buong giliw nung tuluyan nang nagpalabas ng tubig yung little fountain. Wala na lang silang nagawa kundi sumigaw, tumakbo... at magpayong. 





Going Home

Nagpa-advance ticket ako nung hapon sa Partas for their 8:30 bus bound to Pasay, na umalis around 10:30pm na rin. Silently said goodbye to vintage Vigan and its very accomodating people, as I settled on the window seat of the cold, cold bus back to Manila.


...And apologies for the long post. Here's a staring llama-- er, deer for you, dear!



Saturday, May 28, 2016

Summer Adventure #3: Vintage City of Vigan

"IKAW LANG MAG-ISA??"

May-ari ng transient, tour guide, service crew sa Jollibee, nanay na nakatabi ko sa karinderya, mama na pinagtanungan ko ng direksyon, tricycle driver, security guard ng museum-- they all felt the urge to ask if I was really alone, and WHY THE HELL AM I ALONE VISITING VIGAN?

Writer ako, pero ngayon ko pinagsisisihan na hindi ko nakaisip that time ng makulay na sagot sa kanila. Yung iba kasi nginitian ko lang, at yung iba sinagot ko lang ng simpleng 'Opo.' Sana pala, sinabi ko nag-away kami ng jowa/asawa/friend ko na dapat kasama ko dun. O kaya andun ako para mag-research tungkol sa mga multo. Pwede rin sana na sinabi ko sa kanila na mamamatay na ako at nasa bucketlist ko ang pumunta ng Vigan--ummm... nah.

Anyhoo,  ayun nga, nagpunta ako ng Vigan mag-isa. Umalis ako ng Thursday night via Partas bus, at dumating ako don ng umaga ng Biyernes. Walong oras na biyahe sa malamig na de luxe bus--at wala akong nadalang makapal na balabal o jacket. Frozen porcupine meat ako sa tuwing lalabas ng bus para sa stop over.

Upon arriving in Vigan, napag-alaman ko na nasa labas pala ng city proper yung transient na dapat pagsi-stay-an ko, kaya sinubukan ko maghanap muna ng hotel/transient na malapit. Nakailang tanong din ako bago napagod at na-frustrate, kaya nagpahatid na lang ako sa tricycle papunta sa original transient ko-- na apparently ay hindi pa rin pala ako na-reserve-an ng kwarto, at ni-refer ako sa isa pang transient a few meters away. Finally, I settled in Arcellana's. Pang-tatluhan yung kwarto na ibinigay sa 'kin; fan room at 250 per night. Afford na afford para sa nagdarahop na biyaherang tulad ko.

Nagpahinga lang ako ng halos isang oras, ta's gala na agad. I was not so keen on riding a kalesa (felt it was sort of animal cruelty-- ang kawawa tingnan ng mga kabayo pag tiningnan mo ng malapitan, lalo na yung higpit ng bakal na nagsi-stretch sa bibig nila) kaya tricycle ang ginawa kong means of transpo. May mga nag-offer na 500 pesos daw, sa lahat na yun ng tourist spots, but I wanted to be in charge of where to go (this site *link* was really helpful), kaya nangontrata na lang ako ng tryk para ihatid ako sa gusto ko lang puntahan on that Day 1:

Bantay Church Bell Tower

Pinagdududahan ako ng co-teachers na may kasama daw ako kasi may nagpi-picture sa 'kin. But nah, the introvert me was able to chika the pretty Tourism student in her OJT stationed at the church bell tower. Rizelle daw yung name niya. And though para siyang nagre-recite sa classroom pag binabanggit niya na yung bawat bells daw dun ay may function (para sa kasal, sa patay, kapag may emergency, etc.), ini-enumerate ang materials na ginamit para sa structure na iyon, at itinuro niya ang Baguio na tanaw na daw from where we're at, eh siya ang naging official photographer at tour guide ko doon (nang libre, I tell you!) Sinamahan pa niya ako at t-in-our sa iba't ibang parts ng St. Augustine Church, and told me to say my three wishes sa patron nila.





check-out the quote above me -- para sa mga taong gala :)



I brought my Fuji Instax that trip (vintage city deserves a vintage camera of some sort), so as a thank you gift, I shot her sa camera ko and gave her the copy. Mukha naman siyang natuwa.


Syquia Mansion

Si Madam Susan naman, na I think caretaker (o bantay lang sa tourists, not so sure) ng Syquia Mansion ang naging photographer ko sunod. Mukha lang siya masungit, pero siya pa nga yung nag-offer na kuhanan ako ng picture, ng makita niyang nagsa-struggle ako sa pagta-timer sa digicam na dala ko (wala akong talent sa pagse-selfie). 




electric fan nila noon yung kurtina na nasa taas ng dining table; hinihila daw yan ng mga katulong noon para paypayan ang mga may-ari ng bahay habang kumakain


Hole-in-a-Wall Karinderya

Nung tanungin yung tryk driver na sinakyan ko from Syquia Mansion kung saan may masarap kainan pero mura lang, dito niya ko dinala:


Di ko sure kung ano ibig sabihin niyang signage, pero wala talaga akong nakitang pangalan ng kainan na yun except diyan. For sixty pesos, meron na kong kanin, sinigang na bangus, 7up, at saging for lunch. Ayos. May naka-chikahan pa 'kong retired na teacher na hindi makapaniwala na mag-isa lang akong nagbyahe mula Manila. Buti daw pinayagan ako ng mga magulang ko. Nung sabihin ko sa kanya ang edad ko, sabi niya "Ha? Akala ko teenager ka lang!" Muwahahahaha.


National Museum


From my lunch, nilakad ko lang papunta ng branch ng National Museum sa Vigan (turo rin ni kuya manong tryk driver earlier). Doon, may naka-chikahan din akong isa sa mga security guard (my God, I'm so like extrovert that day), pero ang pinag-usapan naman namin eh pulitika--specifically, the Marcos versus Robredo 'thingy'. Maka-Leni ako, so nakikinig lang ako sa kanya sa pagra-rant kung paano dinaya si Marcos. Hehe. 

hand drawn certificate for Elpidio Quirino
(aka doodle for the president)
basi (wine of Ilocanos) jars 
one of the series of old paintings on
how the Vigan people fought (and lost) to Spaniards
May isang exhibit akong gusto lang tungangaan maghapon doon -- yung kay Benigno Toda III. Ang ganda ng nature photography niya, kaso hindi magawan ng justice ng camera ko kaya di ko ma-picture-an ng maayos. Basta, kapag tumintingin ako sa mga naka-frame niyang gawa, parang nagsisilbing portal yun at napupunta ako sa lugar na yun. Astig.






sunrise at Mt. Pulag

After that, tumambay muna ako sa plaza, nagtingin ng mga pwedeng pasalubong na mabibili sa Calle Crisologo-- 







...dumaan ng St. Paul Cathedral, tapos umuwi na rin ako sa transient around 6pm. Naligo, nag-try magsulat, nagbasa ng 'Fairy Tale Fail' ni Mina Esguerra, at natulog na rin ako eventually-- but not until I scared myself to sleep. Ang hirap pala matulog mag-isa sa isang kwarto na pang-tatluhan talaga. Nakaka-praning. (Aside: I don't watch horror movies dahil duwag ako, so I think that night in that transient was the scariest night of my life. End aside.)

Are you still reading? Ang haba na nitong post ko. Sorry, I find it hard to shut up about stuff I love. Please indulge me... and lemme write a part 2 for Day 2?

Wednesday, May 25, 2016

Summer Adventure #2: Mt. Tangisan

Before May 14 of this year, never pa 'ko naka-akyat ng bundok. Isinama ko siya sa bucketlist ko wayback 2012 kasama ng pagsakay ng eroplano (done), at pagkakaron ng boypren (not yet done). Kahit kasi may college friend ako na mahilig umakyat ng bundok, tuwing paplanuhin namin na umalis, laging may emergency na nagyayari sa bahay nila: nanganak yung bilas niya, nagkasakit Papa niya, kailangan nila umuwi ng Batangas, etc. 

So when my co-teacher invited me to join an invitational climb, gorabels ako-- kahit na may introvert self is not so comfortable with the idea na may grupo kami ng mga mountaineers na sasamahan. 

Kaya ang Mt. Tangisan sa may San Jose, Tarlac ang naging kauna-unahang bundok na naakyat ako. Nakakapagod, nakakauhaw, at nakakagutom, pero worth it naman pag nasa taas na. 'Tangisan' daw yung tinawag ng mga lokal sa bundok na yun kasi kakaunti lang yung mga puno at walang masisilungan (WALANG MALALAPITA--HAHAAAAN), kaya mapapa-LUHA ka na lang.  







Halatang noob ako sa pag-akyat-- what with my cotton long sleeves, running shoes, and cap. Yung mga kasama ko ang talagang uma-outfit na pang-mountaineer. Dun ko lang na-discover na kaya pala ganito usually yung mga sumbrero na nakikita ko sa mga mountaineers eh para in all-directions protected sila mula sa araw. 
All in all, okay naman yung experience. Day hike lang kami, tapos nag-set up kami (sila, hehe) ng tent sa Tarlac Recreational Park, napasama kami sa inuman (nabanggit ko na ba dito na mataas ang tolerance ko sa alcohol?), at nakapag-kayak, football, at swimming pa kami ng mga co-teachers ko sa TRP kinabukasan. Kalahating kilo yata ang nabawas sa body fat ko ng weekend na yun.



The Tarlac mountain climbing experience in seven words: "I saw Google Map in real life."