Pero, marami naman akong natutunan. Una, 55 years old pala ang compulsory retirement age nila. Tapos, meron palang mga heneral na after ng retirement sa AFP, napupunta sa corporate world. Doon ko lang din nalaman na sa retirement pala ng mga heneral, binibigyan din ng plaque of appreciation yung asawa nila. Siguro dahil napagtiisan nung wifey ang pagiging asawa ng isang tao na sumumpang uunahin ang bayan kesa sa pamilya?
Na halos nagre-reflect din sa pamilya nila. Halimbawa, isa sa mga anak nung heneral ang hindi nakapunta doon dahil daw sa "pre-law examination lecture" niya. Lecture lang 'yon, oo na't sabihing para yon sa bar exam, pero para ipagpalit mo iyon sa araw na paparangalan yung mahigit tatlong dekada na pagsisilbi ng Tatay mo sa bayan? Para sa akin, it spoke of how was the General with his family-- malamang, marami din siyang napalagpas na importanteng events sa buhay ng mga anak at asawa niya dahil sa tawag ng tungkulin.
Napansin ko rin na yung mga sundalo palang nasa matataas na posisyon, they marry their kind. Kagaya na lang dun sa nag-retire na heneral. General din yung tatay niya, at yung wife niya, anak din ng heneral. May kapatid din siya na heneral din. Ayun. Kapag nag-family reunion siguro sila, pwedeng pangalanan ang anumang laro na gagawin nila na 'Game of the Generals.' Pfft.
Wait lang, napalayo na ko sa dahilan kung bakit 'Permission to be Your Girlfriend, Sir' ang pamagat nitong post.
Eh kasi... Naalala ko yung CAT (Citizen's Army Training) namin dati nung high school. Meron kasing linya noon yung isang officer na "Sir, Permission to blah-blah-blah, Sir!" na pinapalitan namin dati ng "Sir, permission to collapse, sir!" kapag kami-kami lang magkakaibigan ang nagkakarinigan. Lalo na pag pagod na pagod na kami sa kamamartsa at kabibilad sa initan. Mas malupit daw yung ROTC sa college, pero ang swerte kasi ng batch namin, dahil pwedeng mamili between ROTC o community service. Syemps dun na ko sa community service. Siguro mga dalawa, tatlong meeting lang yun. Tapos bumili lang kami ng required t-shirt... then, tadaah! Uno na kami.
Naligaw na naman ako, sarreh.
Ahm, yun nga. Kaya iyun yung title ng post na ito ay dahil dun sa nakamayan kong officer. Yiii. Itago natin siya sa pangalang Officer R. Ang lambot ng kamay niya saka ang ganda ngumiti. Kinikilig ako. Hahahahaha.. uhm. Pangalawang beses na naming magkita, actually. At feeling ko, natatandaan niya ko base sa facial expression niya nung makita niya ako at mag-offer siya ng kamay.
Natutuwa ako ako kay Officer R kasi hindi katulad ng marami sa mga nakakasalamuha kong military men (muli, special thanks to my konekshens), hindi siya mukha at astang mayabang. Mukha siyang humble, mabait, at magalang. Hihihi.
Probably, in a parallel universe, I was able to blurt out the title of this post to him.
But in this universe?
Ehhhhhh.... no.
![]() |
Ang tagal nilang nakatayo sa initan. Ano kayang iniisip nila? |

No comments:
Post a Comment