Tuesday, October 20, 2015

The 12 People You Meet in a Grad School for Teachers

photo credit: perpetualpassenger.com


1. The Absinera - Malas talaga kapag ito ang naging ka-grupo o ka-partner mo. Biglang mang-iiwan sa ere kapag reporting, o may ipapasang requirement. Katwiran niya, super busy daw sa work. Ang sarap sagutin ng: SINO BANG HINDI?!

2. The Pa-Bibo - Panay ang tanong sa teacher. Panay din ang sagot. Minsan may sense, minsan wala. Hobby niya mag-raise ng hand sa klase. Magaling din siyang mag-spew ng quotable quotes. Basta, Best in Recitation siya.

3. The Inglesera - National Inferiority Complex. 'Yan ang meron tayong mga Pinoy. Kung hindi ba naman, bakit automatic sa 'tin na kapag magaling mag-english, naka-equate na agad na matalino yung tao na yun. Lahat ng sabihin niya, intelektuwal. Pfft.

4. The Mommy - Walang bukambibig kundi ang mga anak niya.  Assignments ng anak niya, teachers ng anak niya, mga kaibigan ng anak niya, pag-utot ng anak niya (syempre OA lang ako). Keri lang naman sa 'kin ang mga Mommy sa klase, basta 'wag lang niya kong pwersahing makinig sa Mommy problems niya.

5. The Gay One - Masaya ang klase kapag masayahing bading yung napunta sa inyo. Nakakatawa yung mga banat, at nao-okray pa niya minsan maski teacher n'yo. Kapag nagkataon na bading din yung prof n'yo--bongga! Join powers sila. Pero kung closeta (hindi pa naga-out), e 'di, wala lang. Hatsing-hatsing lang sa pa-mhin-ta sa tabi-tabi. 

6. The Ultimate Sharer - Madalas Too Much Information o TMI na yung sinasabi sa klase. 'Yung mapapamura ka na lang sa isip mo kasi kalahating oras na yata siyang nagsi-share sa klase ng experience/best practice/napanood niyang movie. Basta hobby niya mag-share.  

7. The Public School Teacher - Madali sa 'kin mag-identify ng mga public school teachers. May certain aura kasi sila...parang.. may pagka-maangas ba? 'Tas meron silang covalent bond sa kapwa nila public school teacher. Yung kapag nagre-recite sila, lagi ang banat: "'Di ba teachers, alam n'yo naman sa public.." or something to that effect. Tas magchi-chikahan at kumparahan sila tungkol sa mga loan, division, o bonuses nila. Ayuz. 

8. The Zagu Straw - Iba pa 'to sa pabibo eh. Ito talaga, yung tipong nangungumusta ng prof. Nambobola ng prof. Nagpapa-cute sa prof. Tumatawa sa joke ng prof kahit UBOOOOD ng korni. Panay "Talaga sir/ma'am?" na parang amazed na amazed sa magical words na lumalabas sa bibig ng prof. 

9. The Mr. Suave - Guwapong-gwapo sa sarili. 'Nuff said.

10. The Promil Teacher - Most of the time, reporting lang sa grad school. And kapag turn na ng Promil Teacher, nganga ka na lang. Kasi mas magaling pa siya magturo sa mismong prof n'yo. 

11. The Weirdos - May sariling mundo. Hindi swak sa cookie cutter ng itsura/kilos/pagsasalita ng isang teacher. Makes you wonder kung paano sila nabubuhay sa pagtuturo, at kung paano rin nabubuhay ang mga estudyante nila sa kanilang pagtuturo.

12. The Forgettables - No distinctive, recognizable marks. Commoner. Wallpaper. Halaman sa isang tabi.

..Aaaaand so it goes. Of course these are observations from a mere one and one fourth  semesters I've been in grad school. I still have a long way to go, but just the same, I find joy in observing. And labeling. And writing a list.

Thus, this.

Monday, October 5, 2015

Happy International Teachers' Day!


     

May teachers' month dito sa Pilipinas. Na-declare na Sept 5-Oct 5 ang buwang naming mga guro. Kung yung ibang school eh walang pasok, o kaya may program para sa teachers, o kaya for once eh yung mga estudyante ang magtuturo sa halip na yung teacher, sa school namin--wala lang. Normal na araw lang para sa amin. (Aaaaaand can you feel the bitterness tonaaaayt. toohnahaaayt..)

Kung bakit kasi nagagawa ko pang mag-expect ng something special para sa amin. Hindi na ko nasanay. Buti na lang, as always, the kids would save me from wanting to just leave everything and teach at another school. Kapag kasi nabigyan na ko ng handmade cards (they're all that some of them can afford), natutunaw na ang puso ko. Nakakalimot na sa disappointments ko sa sistema sa school namin. Lalo na yung mga card mula sa mga three or four years ko nang naging estudyante, tapos sasabihan ka na nami-miss ka na nilang maging teacher, na sana hindi ka magsawa magturo doon, na sana marami ka pang maturuan... Haist. 

Dagdag bad trip pa ngayong araw na 'to ang hindi paggana ng binili kong DVD ng Season 4 ng Game of Thrones sa SM -- Sa Muslim. Gumagana kapag sa player nila, sa laptop ko, hindi. Nakakapikonaaarawzarararwawaasgwaaaaaaargggh.

Happy Teachers' Day to me.

Saturday, September 12, 2015

Current Events to Cure Apathetic Pinoy Kids

art by: monocyte2210.deviantart.com

I teach at a school being run by an NGO. We offer free education, from basic education up to technical-vocational courses. Our students are the “poorest of the poor” (our founder’s words), including some of the abused, neglected, and abandoned children coming from different child care centers all over Metro Manila.

At mahirap silang baguhin.

Four years ago, back when I still had a Sibika load, I had to include discussion of current events in my classes as a way to prepare them for the ALS (Alternative Learning System) test. And I fairly remember a student of mine (let me call him R), who blurted out a striking statement after our class discussed about why some Filipinos refuse to leave their homes during typhoons, even if it means endangering their lives. R, who lives in one of the dormitories inside the NGO’s property, said to me: “Wala naman akong pakialam sa kanila, Ma’am. Hindi naman kami binabaha.” For it to come from a thirteen year old elementary student, it’s no wonder pinoy apathy’s ingrained deep inside the majority of us.

I haven’t been teaching Sibika for three years already (my principal’s decision, but that’s another story), and I admit I haven’t been discussing current events in my classes as often as before. That’s why when one of my classmates mentioned on having “Balitaan” before class is effective, I was reminded of the teacher that I was four years ago. 

Naisip ko, kaya nangyayaring walang pakialam yung mga estudyante ko sa nangyayari sa Pilipinas, kasi hindi nila nakikita nang madalas sa akin na teacher nila na may pakialam ako sa nangyayari sa Pilipinas. Yes, I rant in front of the TV set while watching news programs, and discuss current events with friends and family— but for the past school years I seldom take it to my classroom (not the ranting per se, but the discussion itself). I guess when my teaching load changed, so did my conscious effort to inform my students about the current issues in the country, especially to those who live inside the NGO’s dormitories, who don’t have TV sets or internet access made available for them.

And so these past months, my advisory class and I have touched-up on SONA, the Metro-wide earthquake drill, and the upcoming presidential elections. Not all of my students were very enthusiastic, but we’re all a work-in-progress. 

---

Note: ang post na ito ay isa sa aking sangkatutak na requirements mula sa nakaraang first term sa grad school. halata naman siguro 'no? andaming english eh. hehe.

Sunday, September 6, 2015

And the Hell Term Ends

Hindi ko pa yata nasabi dito na nag-enrol ako sa graduate school last May. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Boredom? Maiba lang ang ginagawa sa school. To meet new people? Baka sakali kasing ma-meet ko ang soulmate ko sa grad school. To be a better teacher for my students? Ito ang sinabi kong dahilan sa principal at assistant principal ko nang hingan ko sila ng letter of recommendation. Sounds pretty idealistic, but in my heart of hearts, pramis totoo yan. Child Study ang kinuha kong specialization--konektado sa clinical psychology na course ko ng college. 

Akala ko rin kasi, same teaching load ang mabibigay sa 'kin this school year: yung self-contained class ko na ako ang teacher ng English, Science, Filipino, Work Education, at Christian Living na isang section. Five subjects. Kering-keri.

Akala ko lang pala 'yun.

Dahil kasi sa pag-transfer ng dalawa sa tatlong madre na assigned sa institusyon namin, at ang mga pumalit sa kanila na mga madre ay in-assign sa clinic at sa kitchen, marami tuloy CLE classes ang nawalan ng magtuturo. AT SA AKIN IBINIGAY ANG TATLO SA MGA 'YON. Tatlong dagdag na CLE subjects. Parang gustong mag-spontaneous combustion ng katawang lupa ko. Eh lahat ng circle of friends ko, mula elementary, HS, college, hanggang sa writer-friends ko, hindi makapaniwala na nagtuturo ako ng CLE. Wala kasi talaga sa personalidad at aura ko. Tapos bigla, it turned out na APAT na CLE subjects ang hahawakan ko this school year?! Nalalapit na ang paghuhusga ng sangkatauhan.

And so it ended up na this S.Y. 2015-2016, I would be handling my 5 regular load/subjects, plus CLE ng kabilang section, tas CLE sa dalawang technical-vocational classes: ang welding class at ang dressmaking class na may 20 plus students each. May dagdag sa kakarampot na sweldo, pero dagdag trabaho. Lalo na yung sa tech-voch, aaralin ko pa kung ano'ng mga ituturo ko. 
 
Eh bayad na rin ako sa tuition fee ko sa grad school.

Kaya ayun, sagad to the bones ang kawindangan ko. Naga-adjust na nga ako sa back-to-school drama ko, tapos kailangan ko pang magpanggap na mabuting tao para kunyaring makatotohanan ang pagiging CLE teacher ko. Okay pa kasi sana yung same level na tinuturuan ko, madali pang bola-bolahin yung mga yun. Pero ang magturo ng CLE sa mga haragang 17-21 years old?! Stressed na stressed na stressed ako.

And syempre, dahil nga nagdagdag ako ng palayok na iba-balance sa ulo ko, kinailangan ko pang idagdag sa time management chuva ko ang mga assignment, readings, at reports na nire-require ng tatlong in-enrol kong subjects: advanced psychometrics, philosophy of education, at counseling exceptional children. May mga natutunan naman ako mula sa mga professor at kaklase ko, oo, pero nakakapagod lang talaga na guro ka na nga nang Monday to Friday mula 7AM hanggang 4PM,  tapos estudyante ka naman ng Sabado mula 8AM hanggang 6:30PM. Huhuhuhuhu..hu.


hand-outs and readings from my first term in grad school. pwera pa dito ang required posts sa edmodo.com, critical analysis, observations, psychological test report--raawwraaa raaa aa aaa gaga ooohh lala.




























And so, I am at awe with the idea that I have survived my very first term (sem) in graduate school (trimester na kasi sila, so 12 weeks lang ang isang term). Kahapon ang huling finals ko, at huling araw rin ng pagpasa ng requirements. Nakapag-enrol na rin ako kahapon para naman sa second term. Dalawang subjects na nga lang. Di ko na keri ang tatlo. At! Unti-unti ko nang nagagamay ang pagtuturo ng CLE sa tech-voc (but that's another story).

Sa ngayon, I want my much needed break before the start of the second term on September 19. But that will have to wait until next week. Itong mga nakaraang araw kasi ang panahon ng paggawa naming mga teacher ng grades at report cards para sa first grading period. Sa Friday, September 13 na ang distribution of report cards. So.. 
Hell, yeah. Bring it on.

And then lemme just rest for one full weekend next week. Kailangan nang mag-regroup ng brain cells, muscle cells, blood cells, at iba pang cells na bumubuo sa katawang lupa ko. Just one full weekend to recover, tapos tumbling na naman. Huwaaaaarrawwrrrrnomnomnomrawrrraaaaarrghhh.*


this cute, rawr-ing dinosaur is brought to you by~ http://weheartit.com/entry/group/14834518
*zombie talk for: Tinginingining na buhay 'to. Bakit ko nga ba pinahihirapan ang sarili ko?

Sunday, August 23, 2015

How Do I Kill You Ipis?

I have an irrational fear of cockroaches. Most especially the flying ones. Feeling ko, meron silang extra-sensory perception para lapitan ang nararamdaman nila na takot sa kanila. They can sense that fear, and go right at you. They're that evil.

At sa mga ganung pagkakataon, naglalaho ang mga natutunan ko mula sa karate training (I got the blue belt before I stopped, namahalan na kasi ako sa bayad per session), at ang techniques na nakuha ko from practicing boxing (muli, nag-stop ako ng i-require ng gym na i-advance na ng 3 months ang bayad namin).

In short, I turn into a shrieking, panicking mushroom whenever I see a cockroach. 

Kaya kanina, habang nag-papakulo ako ng tubig sa takure, nagulat ako nang may makita akong baby ipis na abalang-abala sa paghahanap ng lugar sa takure na hindi mainit. Tulog na yung mga tao sa bahay, at nasa galaan pa ang kapatid kong official ipis slayer ko. 

So, to conquer my fear while thinking how to kill the damn baby ipis, I was singing:

How do I kill you ipis?
I want to know
How do I kill you ipis?
If you ever go
How can I let you ever survive?
How do I
Oh, how do I kill..

Medyo obvious naman siguro kung to the tune of what song ko 'yan kinakanta.

Erm, back to the ipis-slaying task, dahil nanghihina na siya dun sa ibabaw ng plastik na bahagi nung takip ng takure, kinuha ko yung baby walis tambo namin (dahil baby ipis siya?). Tapos pinalis ko siya papunta sa likuran ng kalan. Gumagalaw pa, pero mukhang mahina na siya. Pagkatapos kong i-snatch yung mga scotch brite na nasa paligid niya at nilagay ang mga iyon sa mas safe na lugar, doon ko na sinimulan ang aking grand plan: ang i-spray-an siya ng Baygon. Muwahahahaha..hah.

After ng isang spray, nakapagtago pa siya sa ilalim ng stove namin. Tapos nag-try siya lumabas. Na-spray-an ko siya ulit. Balik ulit siya sa ilalim. Ikot-ikot siya dun (sinisilip ko siya but I was a meter away, hehe) tapos nung lumabas siya ulit at ini-spray-an ko ulit, bumalik siyang muli sa ilalim, and it was then, that the baby ipis breathe its last.

The end.

Sunday, August 16, 2015

Makulay na Mundo ng Lesbians

rainbow flag image from kottke.org

Napabalik akong bigla sa makulay na mundo ng mga L  sa LGBT dahil sa isang pangyayari sa school.

Short review ng mga kulay ng Ls (ayon kay G, isang dating katrabaho sa call center kung saan ako nagtrabaho bilang recruitment specialist):

Blue -  sila yung mga bihis lalaki at kilos lalaki na lesbians; yung stereotype na alam ng marami kapag sinabing tomboy ang isang babae


Pink - tomboy, pero hindi halata kasi girl pa rin sila pumorma at kumilos; kapag magkarelasyon ang dalawang pink, aakalain mong mag-bestfriend lang sila, pwera na lang kung magki-kiss talaga sila sa harap mo or overly PDA talaga

Purple - bisexual; parehong naa-attract sa babae at sa lalaki


Kapag naman straight yung girl 'white' yung kulay nila for them (us).

Napa-post ako ng ganito dahil, sabi ko nga, may nangyari kasing 'something' sa school.

Yung PE teacher kasi namin, obvious na 'blue'. Maski students, halatado siya. Kilos lalaki, halimaw sa football, pati porma. Pero walang issue sa kanya ang ultra conservative naming institusyon, medyo malakas kasi siya sa taas; favorite sport kasi ng founder namin ang football. So, no questions about her sexual preference basta nagagawa naman niya yung trabaho niya ng maayos.

Kaso, napansin ko lang lately, na nilalandi niya ako. Lalo na nitong nagsimula kaming magpaturo sa kanya ng football ng dalawa pa sa co-teachers namin. 

Kesyo chicks daw ako, seksi, date daw kami, etc. Although she makes sure naman na walang mga bata na nakakarinig sa kanya.

At dahil hindi naman ako aabot sa edad ko na walang boypren kung hindi ko talent ang mang-deadma sa mga hindi ko trip (ang yabang ba? pasesnya na), pasimpleng pambabara/pang-aasar na lang ginagawa ko sa kanya.

Only to find out, na kaya niya pala niya ako nilalandi kasi pinapagselos niya si M, yung resident clown/science teacher/henyo kid namin. 

Pano ko nalaman? Nagpa-counseling session kasi si M sa 'kin nung Friday, after namin mag-football practice. Confused daw kasi siya, dahil nag-kiss sila ni Miss PE. And she liked it.

Konting background kay M: She graduated from college at 18, na-accelerate kasi siya when she was younger. A nerd in school, typical na high IQ, low EQ siya. Siya man aminado, hindi niya nga daw kaya bumasa ng expression ng ibang tao. Baby siya ng faculty room namin. And last Friday, hindi ko alam kung matatawa o maaawa sa kanya.

Nagkwento kasi siya ng times na nagma-mall sila ni Miss PE nang silang dalawa lang, magka-holding hands pa. Tapos minsan, naiwan pa sila sa bahay ni Miss PE ng silang dalawa lang, tas nagpamasahe siya kay Miss PE. Then after sometime, bigla niyang tinanong si Miss PE out-of-the blue: "Tomboy ka ba, Ma'am?"

Ayon. HINDI NIYA PALA ALAM NA LESBIAN SI MISS PE. Grabe. Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko nung kinuwento yon ni M. Akala lang daw niya, boyish si Miss PE dahil nga, PE teacher siya. Kaloka diba?

So to cut the story short, nagpa-process si M sa 'kin, and I tried my best to answer her concerns regarding homosexuality (nabanggit ko na ba dito na clinical psych ang course ko nung college? kaya feeling nila dun sa school ako ang resident psychologist nila dahil wala naman kaming budget for a guidance counselor). I also probed more on where she was coming from. At the end, I concluded that M was just sooo naive, and Miss PE was the expert wooer.  


Nagliligawan na pala sila, hindi ko alam. I take pride pa naman of being observant. In fairness, hindi ko nahalata 'yon. Akala ko kasi, sa 'kin may gusto si Miss PE. Yun pala... Ginamit. Lang. Niya. Ako. Hah!

Naalala ko tuloy sina G, XK, O, at iba pang blues and pinks na nakilala ko noon sa recruitment office ng call center na pinagtabahuhan ko. Iba yung mundo nila. Makulay talaga. But more about them some other time.

Magpi-prepare pa kasi ako ng ile-lesson para bukas. 

Monday, August 3, 2015

Sino si Bob Ong? (Part 3)

My blog posts about the real identity of 'Bob Ong' remain to be two of the top posts of this den. Wala namang nagko-comment if they agree or not, pero dahil view-whore ako, I'm writing a third one, para best-selling trilogy ang drama. Chos. 

Anyhoo, nang matapos kasi namin ng students ko ang pagbasa ng ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (BO), nag-promise ako sa kanila na papanoorin naman namin yung movie adaptation ng book, which starred Jericho Rosales (as BO) and Andi Eigenmann (as Special Someone). Andun si Vandolph as 'Ulo', at si Meg Imperial as 'Portia' --isang karakter na tibo na wala sa original na book.



(Aside: dahil walang pambili ang mga estudyante ko ng libro, at wala din naman akong pambili ng 38 na kopya ng ABNKKBSPLAko?! Eh pino-project ko na lang ang isang piratang PDF nung book sa projector namin, para mabasa ng lahat. Sorry po, gods of literature. End aside.)

The kids enjoyed the book, dahil una, naka-identify sila dahil tungkol sa school blues, hues, and issues dun. Tapos conversational pa yung language, at benta sa kanila yung humor. Tawang-tawang-tawa sila dun sa part na napatae yung character sa libro (this part written in 2nd POV) habang nasa classroom at may isang kaklase niya ang humirit ng: "Teacher, tumae po siya!" (Speaks of the humor my class has, 'no?)

The movie had a different charm for my students though. They were laughing at the lines, comedic timing, and flash dancing of the actors. I think the medium was more effective for them. Personally, I was bored watching the movie adaptation. Mas gusto ko yung naging reading experience ko with the book. Para kasing... Hindi naging madulas yung story telling sa movie. It wouldn't grip you hard to watch it up to the very end. Given na wala naman talagang linear na storyline yung libro, kaso... It really didn't work out for me. No. Na-ah.

Now let me go to the reason kung bakit 'Sino si Bob Ong' ang title ng post na 'to. If you've read (Beware: Shameless plug ahead) this  and this, you'd know that I have this grand theory na si Prof. Joselito delos Reyes ng UST at si Bob Ong ay iisa.

At sa panonood ko ulit ng movie version ng ABNKKBSNPLAko?!, it sealed the deal (at least for me) na tama ako sa teorya ko.

Exhibit One: nabanggit sa book ni Sir Joselito delos Reyes na iStatus Nation ang tungkol sa kagustuhan ng nanay niya na kumuha ng education, pero hindi yun natupad, kaya sa kanilang magkakapatid na lang ipinasa ng nanay nila ang pangarap nitong maging guro. It was PNU (Philippine Normal University; ang official school for teachers ng Pilipinas) or nothing daw para sa kanilang magkakapatid. Sa bahaging iyon ng iStatus Nation ay nagbigay pugay din si Sir Jowie noong Teacher's Day sa mga nangarap maging guro. At doon nga niya in-example ang nanay niya, na nakamatayan nang hindi nakita ang pag-graduate ni Sir Jowie. Inalay n'ya yung post na yun sa mga babaeng nangarap maging guro, ie, ang nanay niya.

from page 212 of Sir Jowie's iStatus Nation

Kaya napailing na lang ako when I saw na yung nanay ni BO sa movie, played by Miss Bing Pimentel, na nung huli ay tinulungan ni BO na mag-sign up sa 'St Mark’s College of Education':

Bob Ong helping-out his mom sign-up for school (screengrab from youtube.com)
Shot of BO Mom's laptop screen (screengrab from youtube.com)

Nung pinanood ko yung movie last Feb 2014, sabi ko, ano'ng konek? Bakit isinama yung part na yun? Parang sore thumb at isiningit lang.

Nung mabasa ko eventually yung iStatus Nation, that was when I understood. I believe that scene in the movie was dedicated to Sir Jowie's mother. Na, kahit sa pelikula, nagawa niyang 'mapag-aral' ng education ang mama niya. Ka-touch lang. *sobs*

Exhibit two: walang nabanggit na trabaho ng nanay ni Bob Ong sa ABNKKBSNPLAko?!. Si Sir Jowie, sinabing mananahi ang nanay niya. And... indeed, mananahi nga ang nanay ni Bob Ong sa movie. 

Mananahi yung nanay ni BO sa movie -- just like Sir Jowie's (scrrengrab from youtube.com)
Taken from page 210 of Sir Jowie's iStatus Nation


Exhibit three point one: (eto, hindi na dahil sa movie, these just came to me, pamparami lang ng exhibits presented, nihihi) Parehong matigas ang paniniwala ni Bob Ong at Sir Jowie na hindi nasusukat ang talino ng isang tao sa grades. Aminado si Sir Jowie na nakailang taon siya sa PNU, na niloloko na nga daw siya ni Sir Eros Atalia sa years of stay niya sa PNU. The same with BO na nagkanda-leche leche ang college life.

Exhibit three point two: Kahit na sinabi na ni Bob Ong sa isa sa mga libro niya na hindi siya mahilig sa tula (isang kilalang makata si Joselito delos Reyes), well, of course hindi ako naniniwala dun, hahaha. I thought, Sir Jowie's poetics explained the sometimes poetic prose of Bob Ong--kung bakit maganda ang tunog ng mga salita niya, na madaling mapansin na ginagaya ng mga nagsusulat ng conversational voice.

Pwede ko na rin sigurong i-exhibit three point three ang pagiging lactose intolerant ni Sir Jowie, na nauuwi sa pag-jerbaks niya sa mga hindi inaasahang lugar at pagkakataon, na kagaya ng nangyari sa bata sa movie/libro na ABNKKBSNPLAko?!.. 
O kaya na  parehong tatlong magkakapatid sina Sir Jowie ayun sa iStatus Nation, at tatlo din na magkakapatid sina Bob Ong sa movie... But that's probably just me theorizing too much. 

So, were all of those just mere coincidences?

IMHO: Ehhhhhh..... No.

Little Miss Porcupine
March 15, 2015
Tagaytay City

Sunday, July 26, 2015

CNF: Bubbles

"Mamamatay na si Bubbles." Malungkot na sabi ng nanay mo pagkababang-pagkababa mo ng mga gamit mo sa sofa. 

Napahigit ka ng hininga. "Bakit? Ano pong nangyari? Okay pa siya kanina ah?" 

Umiling ang nanay mo. "Basta na lang hindi makabangon nang tingnan ko kaninang umaga. 'Di ba nitong mga nakalipas na araw, matamlay siya?"

Bumilis ang paghinga mo. Malalaki ang hakbang mo papunta sa higaan ni Bubbles.  Kinagat-kagat mo ang iyong pang-ibabang labi para mabaling doon ang hapdi na nararamdaman mo sa iyong mga mata. 

"Bubbles?" 

Parang may tumusok sa dibdib mo nang makita mo siyang nakahiga, mukhang wala ng buhay, maliban na lang sa mabagal na pagtaas-baba ng katawan niya. 

"Bubbles..."

Tumalungko ka at hinimas siya sa tenga. 

"Sorry, Bubbles. Hindi kita matutulungan. Hindi ka namin madadala sa doktor... Alam mo naman, yun nga lang gamot ni nanay, every other day na lang niya naiinom..."

Narinig mo ang naging pag-ingit niya. Nanikip ang dibdib mo sa narinig mong hirap niyang pag-ungot, tanda na gusto man niyang may lumabas na tunog sa bibig niya ay hindi naman niya iyon magawa.

"Bubbles..." Tuluyan ka nang naiyak habang hinihimas ang likuran ng tainga niya.  "Thank you kasi lagi mo kaming binabantayan ha? Thank you kasi lagi mo kaming pinapasaya. Thank you kasi tuwing nakikita mo ko, pinaparamdam mo sa 'kin na mahal na mahal mo ko. Sorry ha, hindi kita matulungan ngayon. Sorry talaga... Sige na, pahinga ka na. Pupunta ka naman sigurado sa pet heaven, 'di ba? Kasi mabait ka. Thank you ulit Bubbles ha? I love you."

Tumayo ka at naglakad palayo kay Bubbles. Hindi mo kayang tingnan siya na higitin ang kanyang huling hininga-- hininga na dating inaalay niya ang bawat isa para pagsilbihan ka at ang iyong pamilya.

Sunday, July 19, 2015

My DIw/Y Tagaytay Experience

Uber late post: Written last March 15, 2015. 

Oh, well.

---

As I was celebrating a milestone of some sort during my birthday, napag-desisyunan ko na pumunta ng Tagaytay mag-isa. Medyo violent ang reactions ng protective kong Mama’t Papa, maski ng not-so-little little brother ko, dahil first time ko mag-overnight sa isang lugar nang mag-isa.

But I pushed through with it kasi... Kasi gusto talaga maka-experience ng isang bagay na hindi ko pa nagagawa, thus, the solo overnight experience.

Nung una, gusto ko sana gayahin yung co-teacher ko na nag-overnight sa isang kumbento para sa isang silent retreat. Pero humirit yung isa sa mga ka-close kong teacher, si Ma'am S, at nagsabing hindi daw bagay sa akin ‘yung mga ganung kabanalan. True that naman.

So, ayun, yung una kong tiningnan eh isang Spa/Resort sa may Antipolo. Ang mahal! Tapos andami pang panget na reviews-- well, mixed reviews naman... pero, sayang din yung P3800 para sa overnight stay + food + pamasahe pa . Nag-volunteer naman yung kapatid ko na sagot na daw niya yung bayad ko sa accomodation, birthday gift niya sa 'kin. Umayaw ako nung una (pa-charot ko lang); sabi ko pag-isipan niya. Ilang libo din yun ‘no.  Pero pinaalala lang niya sa akin na nung ako naman yung malaki ang sweldo dati (for 3 years, I worked in a call center as a recruitment officer bago ako naging guro), ako yung gumagastos for him, binibili siya ng mahal na rubber shoes, nililibre sa pagkain, etc. So, he's just kinda giving it back. Sweet no?

Kaya naman, with P5000 pocket money courtesy of my little brother na sumu-sweldo na four times nang sa akin, ayun, hanap ulit ako sa net. Super mega dami kong napuntahan na sites, blog, reviews, hanggang sa makita ko siya, ang the one:

This is somewhere in Tagaytay. Very artsy, quaint looking place. Bagay lang sa pa-artist/writer na ako.

So, to cut the story short, nag-book a for an overnight stay for two. Well, wala namang overnight stay for one, so... there.

I read up about a few things about traveling alone for a girl (you can check-out this Rappler post), kaso, mas lalo lang yata akong naging paranoid. Hahahaha. Cool yung place, hindi ko ma-describe kung ano yung klase ng design nila, basta swak siya sa artsy me. Ayun. Can these photos speak for themselves? (taken by my phone's camera, so sorry for the quality)







  


Medyo lonely nga lang kumain mag-isa, habang nasa isang sosyal, floating na cabana, na may mga tumatalon-talon na palaka sa gilid. (Naghihintay na nga lang ako ng tatalon papunta sa mesa ko, pero wala naman, thank Goodness.) I am used to being alone, pero... Pero iba pa rin pala talaga kung may kasama ka sa isang magandang lugar, habang kumakain ng mga hindi mo kilalang pagkain.

(Aside: masarap yung langka na dini-dip sa chocolate. Yammeee! End aside.)

Tapos, ayun, sa kwarto lang ako. Okay naman yung room, may surround speakers yung TV, at naka-tatlong pelikula ako sa Cinema One: Tanging Ina, Bromance, at Rurouni Kenshin. Kenshiiiiin. Oh my God. Ang guwapo-guwapo-guwapo talaga ni Kenshin.

Naalala ko lang.. (sakit ko talaga ang pag-digress, sorry). Dahil nga paranoid ako, sinunod ko yung bilin sa video na napanood ko, na kumausap ng sinuman sa phone, para warning na rin daw yun sa mga tao na kahit mag-isa ka, meron kang kausap na nakaka-alam ng whereabouts mo. Ginawa ko yun habang nasa tricycle ako, at medyo matanong si kuya manong driver it made me uncomfortable. Kunyari, tinawagan ko yung "boyfriend" ko na nauna na sa aming tagpuan. Ginamit ko yung pangalan nung lalaki (bading) na bumasted sa 'kin. (Bitter much pa rin, no?) Anyhoo, syempre sinigurado ko muna syempre na naka-silent mode yung phone ko, baka magaya ako kay Sarah G. dun sa movie nila ni John Lloyd na nagkukunwari siya na may kausap sa phone tapos bigla nag-ring yung phone niya. Hehe. And so.. parang tanga lang ako 'no?

As I was saying... Ano.. Ano na nga ba? Uhm.. Okay naman yung naging overnight stay ko. Nakapag-sulat ako ng tula, flash fiction, dalawang blog post (kasama na ito na sinusulat ko ngayon habang nagla-lunch sa may Starbucks Tagaytay. I feel like a burgis, gademit.)

The reflections I had? Mahirap pa rin pala talaga mag-isa. Akala ko, sanay na 'ko. Kasi sanay naman ako mag-mall, kumain, mag-byahe mag-isa. Pero... Sa lawak ng king-size na kama, sa lambot ng comforter at unan, sa isang lugar na nakakapagpa-reincarnate ng mga nakabakasyong writing muse, gugustuhin mo pa rin pala na may kasama.

Ang ending nito? Nalaman ko na ayoko na pala talagang mag-isa.

Friday, May 22, 2015

Nagbabalik, Ngunit 'Di Sabik na Sabik


Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

Lagpas dalawang buwan na mula nang huli akong mag-post dito.

Andami nang nangyari, hindi ko alam kung saan at paano sisimulan.

Saturday, March 14, 2015

It's My Birthday!

One month after celebrating Valentine's Day, it's The Day of this Little Miss Porcupine!

Sa Japan, it's customary during Valentine's Day for the women to give chocolates to men. After a month, ang guys naman ang magbibigay ng something for girls. They call it "White Day". Although mas lavish daw ang binibigay ng guys sa girls, like jewelry, gadgets, etc.

Ako naman, I celebrated the "bisperas" of White Day / my Birthday at school, with current and former students giving handmade cards, greeting me an advance happy birthday, and some even managed to give me little gifts.

Madalas, sakit ng ulo ang inaabot ko sa mga maliligalig (minsan bastos pa nga), sutil, at madaming hang-ups na mga estudyante at naging estudyante ko. But one thing about them, when they love, they 've got big love to give.




Will be celebrating my birthday somewhere in Tagaytay. More about that on the next post. 

*cue Indiana Jones sound effect*


Saturday, March 7, 2015

And the Hell Month Ends

Naka-isang blog post lang pala ako ng February? Tsss. Isa talaga ang February 2015 sa pinagkaka-sumpa-sumpa kong buwan ever. Bwiset talaga. Pakiramdam ko talaga 100 days ang February at hindi 28 days lang. Leche.

Nabanggit ko na dito na ako ang in-charge sa activity of the month sa school: ang 'Arts and Culture Month' (for three years, sa 'United Nations Month' tuwing October ako ina-assign, napagtrip-an yata ako ngayong taon). At ako naman 'tong si pa-bibo, kung anu-anong naisip na pakulo. Akala ko keri ng powers ko. Na-bembang tuloy ako ng maraming beses ng buwan na 'to. Leche.

Ano nga ba ang mga ginawa ko ng Feb 2015 kaya OA ako magmarakulyo ngayon?

1. Nag-design ng 1 meter x 2 meter na bulletin board

2. Nag-isip ng ipapagawang activities sa students na related sa 'Arts and Culture'

3. Nag-talk during morning assembly tungkol sa a.) ARTS at b.) Culture, sa magkaibang araw, na may magkaibang powerpoint presentation of sorts. Bumenta naman sa mga bata yung mini-lecture ko (got good feedback from kids and some of my co-teachers)-- still, madugo ang naging preparasyon ko sa mga yun

4. Nag-invite ng artist + writer tandem para sa scriptwriting + drawing comics/manga workshop for kids

5. Nag-practice ng mga estudyante ko para sa skit/performance nila na "Pinoy Ka Kung..." na ala-Goin' Bulilit (bumenta din yung script namin sa audience, I could probably share it here some other time)

6. Nag-coordinate sa iba't-ibang teachers para sa performances ng klase nila at nanguna sa general practices ng program (culminating activity)

7. Gumawa ng invitation para sa iba't ibang offices within our NGO (eg, marketing dept, facilities, etc)

8. Um-attend, nag-coordinate, at nag-entertain ng speakers ko sa mismong araw na ginawa ang  scriptwriting + drawing comics/manga workshop (kasama na ang coordination para sa representatives ng each class)

9. Naghanap ng emcees ko sa program, gumawa ng script nila, at pinraktis sila the day of the program itself

10. Nag-sorry sa mga teachers na hindi pinasama ng principal namin sa program dahil masyado na daw mahaba ( pero in-approve naman niya yung mga numbers na 'yun beforehand)

11. Nakipag-coordinate sa marketing department dahil may benefactor na gustong gastusin ang pera nila at magpapa-merienda sa buong student body, at gagawin na lang yun right after the culminating activity

12. Inayos yung exhibit/cotest na pakana ko rin: mga national and cultural treasures ng Pilipinas (eg Manunggul jar, kampilan, Bagobo Basket) na ang gagamitin ay recycled materials

13. Nag-compute ng grades para sa 3rd Quarter, kasama na ang paggawa ng Report Cards ng advisory class ko; at

14. Pagtuturo araw-araw.


Modesty aside, marami naman akong nakuhang magandang feedback sa mga activity ko for the month of Feb. Kaya lang, pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko. Yung sa sobrang pagod, gusto ko na lang mag-resign? (Kaso, lagi kong naaalala yung sabi sa 'kin ng life mentor ko, 'wag daw akong aalis sa isang trabaho dahil lang pagod ako. Siguraduhin ko daw na alam ko muna lahat ng pwede kong malaman, lahat ng pasikot-sikot, bago ako umalis.)

Kaso ulit, bukod kasi sa physical na stress dahil sa dami ng gagawin, may sumabay pa kasing emotional stress sa akin, maski tapos na yung month ko. Una na dyan, yung nagkasagutan kami ng principal ko. As in wagas na sagutan, na ayoko nang ikwento pa dito ang dahilan. Tapos may mga nag-inarte pang mga taga-opisina na hindi daw sila nabigya ng invitation. Eh potah naman, kasama naman sila dun sa isang department. Gusto lang nila, may sarili silang pisikal na imbitasyon. Kaya tuloy, hindi daw sila nanood ng program. *insert expletives here*

Ngunit kagaya nga ng mga salitang sinulat ko sa isang post-it note at dinikit ko sa may table ko sa faculty room noong nasa peak na ako ng stress:



And the month of February did pass. It's been a week since it did, pero ngayon pa lang ako nakakabawi ng lakas.

Kaya next year, kung ako pa rin ang maa-assign sa lecheng Arts and Culture Month na 'yan, magpapa-film showing na lang ako. Tapos reaction paper. O drawing para sa little kids namin.

Dahil dalang-dalang-dalang-dalang-dala na ako sa mga nangyari sa 'kin, at mga ginawa ko, nitong buwan ng Pebrero.

Monday, February 16, 2015

The Red Day

I'm baaaaack.

And I'm screwing the Wednesday/Saturday posting schedule. Basta twice a week. Hindi ko mapanagutan eh.

Two weeks din akong hindi nakapag-update dahil, well, palagi kong pipiliin unahin ang pagiging guro ko. At dahil nagpatung-patung-patong ang mga kailangan kong gawin sa school--pag-compute ng grades, pag-aayos ng activities at thingamajigs para sa arts and culture month, everyday lessons-- eto, ngayon lang ulit nakapag-post. (As if naman may regular readers itu, haha.)

Anyhoo, busy ang Valentine's day ko dahil sa wedding ni G, isa sa college friends ko (11 kami lahat, 10 girls and a boy). Kaming mga single ladies, part ng entourage. Yung may mga hubby na, pumunta na lang as guests.

Iyon na yata ang pinaka-stressful na wedding na napuntahan ko. Dahil: Una, late kami sa call time na 11am. 1pm na kami dumating sa hotel. On time ako sa meeting place namin na mall somewhere in Pasay, yung mga imi-meet ko yung late. Hmmp. Pinagalitan kami syempre ng bride, at medyo pilit yung ngiti sa amin ng hair and make-up people dahil pa-late nga kami. Nakakahiya talaga.


Second, katulad nga ng nasabi ko na sa isa sa mga blog post ko dito, kulay PULA yung gown namin. PULANG GOWN. On a valentine's day. Tapos may pulang bulaklak pa na naka-pin sa hair namin. Aysos.

Thirdly, nung reception na at ipapakilala na kaming part ng entourage, ang entrance namin ay kailangan naming magsayaw ng ka-partner ko. Siya, pwedeng dancer at inaral yung 'Gangnam style'. Ako, isang nagha-hyperventilate na tree stump. Potah.

Ayun. Pag-uwi ko ng bahay, plastado ako. Pagod na pagod na pagod ang feeling ko. Iyon na talaga ang most stressful wedding I've ever attended. Buti pa yung friendships namin na mga guest, pinagtatawanan lang kami. Cute pa yung souvenir nila:




In-edit ko na lang yung sa bridal gown na sticker, dapat mukha at pangalan nina G at C yung nasa gilid. 

Speaking of the bride and groom, sobrang madaming pinagdaanan yung dalawang yun. Dahil yung friend ko na si G, nagsimula siya as the 'Other Woman'. May long-time girlfriend noon si C, at pinagsabay sila (kaya for the longest time, hindi kami boto dun kay C, but, well. Mahal siya ng friend namin eh).

Hindi bumitaw si G, hanggang siya yung piliin ni C. At ayun nga, after of a few years of living together, nagpakasal na rin sila. 


Good for them, 'no?

Habang pauwi, chikahan galore kami shempre na single ladies. Dalawa pa kaming natitirang NBSB sa tropa namin. Ako, at si E. Si E, may nagbigay daw na chocolates at bouquet sa kanya nung Friday. Natawa ako. Ako kasi, eto ang nakuha ko--



--handmade cards, cupcake, at plastic na roses mula sa mga estudyante ko. Thankful for these, of course. Who receives handmade cards nowadays? Pero.. wala lang... Napapaisip kasi ako... 

Ikasal pa kaya ako sa lifetime na 'to?

Saturday, January 31, 2015

Ang Fallen 44 at Isang Commercial Break

Kaninang umaga, sigurado na ako na magsusulat ng isang post tungkol sa apatnapu't apat na PNP-SAF na namatay sa Mamasapano. Apektado kasi talaga ako sa nangyari.

Pero may nangyari kasi kaninang hapon. At mapapanis yung pakiramdam kung sa Wednesday ko pa ito ipo-post. Kaya bago yung mabigat sa pakiramdam na post ko about the Fallen 44, commercial break muna:

Nasa mall ako na malapit sa 'min kanina. At dahil bibili lang naman ako ng ilang mga gamit para sa school (in-chrage kasi ako sa 'Arts and Culture' month this February), hindi na 'ko nag-effort mag-ayos. Souvenir shirt mula Palawan, black leggings, at tsinelas. Yung buhok kong sabog, hinayaan ko lang na nakalugay. Running errands lang naman ako. Kebs na ang 'au naturel'.

Eh kaso, bigla kaming nagkasalubong ni A sa National Bookstore-- si A, na inirog ko rin ng matagal-tagal na panahon simula noong high school, magpa-hanggang college, maski hanggang nagsimula na akong magtrabaho. Si A na laman ng mga blog post ko sa Friendster noon. Si A na hiniram ko ang mismong apelyido para sa pen name ko. 


Si A na kinasal kamakailan lang, sabi ng nanay ko. Nagbebenta kasi sa junk shop namin yung tatay ni A... at yun. Ayun.

December 2013 ko pa siya huling nakita, kahit nasa iisang barangay lang kami. Tanda ko kung kelan kasi, yun yung araw na kinasal yung isang high school classmate/common friend namin. Yun yung muntik nang siya yung makakakuha ng garter, at ako yung lecheng nanalo (natalo?) sa game para naman sa bouquet ng bride. Kapaan pa naman yung ng katawan nung lalaki habang naka-blindfold yung single girls. Pfft.

Anyway, sakit ko na ang pag-digress, sorry. 

Ayun nga, nagkita kami kanina. Ako yung naunang pumansin sa kanya. I noticed he was still wearing his scrub suit pants (he works as a nurse), and he's grown stubbles that make him look...manlier. Sexier. (Aysos.)

I saw him checking me out, at dun ako nagsisi kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na magkikita ulit kami, iyong mga oras na iyon pa: with my lion hair, bare faced, and with one nagsusumigaw na tagyawat. Kainis.

He asked me kung dun pa rin ako nagta-trabaho, mukhang nagulat nang sabihin ko na teacher pa rin ako sa NGO, as he held my forearm for a second, and tapped by shoulder as we said good bye. Ang touchy!


And so, my emotions were stirred. Not shaken, just stirred.


*** End of commercial break. ***



Noong una kong marinig ang balita tungkol sa SAF 44, I was not moved. They were mere statistics for me. Nakakalungkot mang isipin, pero medyo common na kasi ang balita tungkol sa  mga namamatay sa gulo sa Mindanao. And after the horror of Maguindanao massacre, it would take a lot for me to feel deeply moved about the news from down south. 

Pero sa pagkakataong ito, I think the media played it well. Nang ipakita na kasi sa evening news isa-isa yung mga larawan ng napatay na SAF commando, dun na ako naiyak at sumaludo sa TV screen. Kasi hindi na sila statistics, hindi na sila numero. Nagkaroon na sila ng mukha. Nakita ko na sa isip ko ang mga pamilya, asawa, mga anak nila. Na-imagine ko na ang mga huling sandali nila sa mundo, sa ingay ng mga putok ng baril, sakit ng pagtama ng bala sa katawan, ang kamatayan ng mga kasama nila. 

Hindi ko alam noon ang tungkol sa Special Action Forces unit ng PNP. Pangit at stereotypical ang opinyon ko noon sa lahat ng pulis-- at naisip ko pa nga noong dumating ang Santo Papa at noong pinakita sa TV yung pang-aaway ng isang ale sa pulis na nagbabantay, na baka kung sundalo yung nandun, baka hindi ganun na lang kung sagut-sagutin nung ale yung kausap niya. Para kasing... mas kagalang-galang yung imahe ng mga sundalo kesa mga pulis.

Pero nagbago na ang opinyon ko sa kapulisan ngayon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na isa sa mga napikon nang hindi pumunta si PNoy sa Villamor Airbase noong lumapag ang eroplano na may dala ng mga casket ng 42 sa Fallen 44. I voted for PNoy. Hindi isa sa mga hobby ko ang tumuligsa sa kanya. Para sa 'kin, I'd rather have him as the President, kesa si Erap. O GMA. O Villar. I'm not a fan, but I find his presidency tolerable than the last two that this country has had.

Kaya lang, nag-init talaga ang ulo ko nang hindi siya magbigay kahit 30 minutes man lang ng ginintuan niyang oras para sumaludo sa mga pulis na iyon. Siya ang commander-in-chief nila. They died for this country. Tapos nasaan siya? Nasa isang car show sa Laguna? 

For the Fallen 44, may you rest in peace. Ipagdarasal ko rin po ang mga pamilya ninyo. Ang buong institusyon po namin: mga staff, teachers, at mga kabataang inaalagaan namin, ay nagdasal din para sa inyo at para sa inyong mga pamilya sa misa namin kahapon. Sa apat na taon ko po na pagta-trabaho doon, dalawang beses ko pa lang po nakikitang umiyak ang pari namin. At kahapon po ang isa doon, habang sinasabi niya sa amin ang kabayanihan ninyo. 

I can only dream to have even a drop of your insurmountable patriotism and love for this country.

Maraming, maraming salamat po sa pag-aalay ng inyong buhay para sa Pilipinas. 


Art by: KaJo Baldisimo

Saturday, January 24, 2015

A Meet-up, a Party, and an Impromptu Date for Coffee

This February 14, wala akong ka-date. (What's new?) Pero, meron akong a-attend-an na kasal ng isa sa college friend, si G. Nakikini-kinita ko na na isa 'to sa mga memorable na kasal na dadaluhan ko. Kanina kasi, sinabi ni G na sa reception, kailangan daw namin sumayaw for 30 seconds ng 'Gentleman' nung partner ko. *expletive* Tapos, tapos! Ang kulay pa ng bridesmaid gown namin eh: pula. Pula. Pulaaaaa!

As if naman kaputian ako. Huhuhu. Ewan ko ba naman dun kay G kung anong trip sa buhay--



Kanina ko lang 'yang gown nakuha mula sa bride-friend ko. Nagkita-kita kami sa Glorietta 4 National Bookstore, na isinabay na rin nilang mag-asawa (kasal na rin naman sila through a civil wedding) ng pagbili ng mga anik-anik para sa wedding. As usual, nagkandaligaw-ligaw at mega-taong na naman ako kina manong guard for directions.

Anyhoo, sa may Tutuban pa 'yan pinatahi, pero never ako nagpunta dun. Nung araw kasi na dapat pupunta kami dun, was the same day that my Lola passed away. Naintindihan naman ako ni G nang mas piliin ko na umuwi ng probinsiya namin kesa magpasukat ng gown. 

At dahil hindi na niya ako masasamahan ulit sa Tutuban (at hindi ko kaya pumunta dun mag-isa, alam nila na location-challenged ako), ako na lang daw ang kumuha ng sarili kong measurement at ite-text na lang daw niya sa mananahi. Dadalhan na lang daw niya 'ko ng Youtube video. The ways of technology, daba?

Pero wala akong tiwala sa gagawin kong pagsusukat ng sarili. Yung pajama nga lang na ginawang project namin nung elementary, nanay ko gumawa eh. Hehehe.. heh.

So I just commissioned our dear school's resident mananahi, yung instructor namin sa dressmaking. Pumayag naman si Ma'am C na sukatan ako ng mga kailangang sukat para sa gown. Binigyan ko na lang siya ng brownies bilang thank you.

At yun. Ayun na nga ang kinalabasan ng aking pulang gown. Sinukat ko, okay naman. Pero mukha pa rin talaga akong mantel.

Which brings me to the second part of my busy Saturday afternoon/evening.

I attended a benefactor's Thanksgiving Party at school. Inimbita kasi ako ni Ate F, isa sa mga marketing officer ng aming NGO, na ka-close ko. Timing na rin na may Thanksgiving mass/ Final Blessing sa mga kukuha ng ALS exam, ang PINAKAMAHALAGANG EXAM sa buhay ng mga pinakamamahal naming mga estudyante. 

(Aside: Dahil non-formal school kami, hindi kami kasama sa K-12 ng gobyerno. Basta kailangan, maipasa ng mga bata namin yung ALS exam-- hundreds of multiple choice items plus a personal essay on civic/political/social issues. At MAHIRAP silang turuan magsulat ng essay. MADUGO mag-check. Az in. End aside.)

Marami sa kanila ang tinuruan ko magsulat ng essay. Kaya to show na rin my support, tas may libre pa kong dinner. Hehe. So, gorabels ako from Glorietta 4 to our school.

Naka-dress ako. Simpleng plain, gray dress lang naman na may sleeves pero above the knee. Dinaan ko lang sa accessories. Pero bongga yung reaksyon ng mga bata. Hahaha. Mula sa "Mukha kang dalaga, Ma'am," "Hindi ka na mukhang teacher, Ma'am," hanggang sa "Para kang prinsesa, Ma'am." Tinatawanan ko na lang, at binabalikan ko na lang ng: "O, bola na 'yan. Wala 'yang plus sa exam!" (Quarterly Test namin kasi next week.)

Ayun. Masaya yung gabi kasi may live band. Medyo may ilang sablay na tugtog, pero okay lang naman. Astig yung centerpiece ng table namin, very NGO-ish. Ansabeh ng origami flowers!

Anyway, naki-table ako sa mga girls. Napa-kwento pa nga ako sa kanila about sa earlier engagement ko that day, ta's pinakita ko pa yung gown. Sabi ko, kakulay ng mantel namin. (Naman!) Pero in-encourage pa ko ng mga ka-table ko, na magkahalong former/present/non-students ko. Okay lang naman daw sa akin yung kulay. Sabi pa ni A, isa sa mga pinaka-close kong student, gusto daw niya makita yung picture ko kapag suot ko na yung gown.

The party came to a close early, around 10PM nagligpitan na yung mga kids, dahil nga sa ALS exam. Nahiritan ako ni Ate F na magpa-kape. At nagpa-bully naman ako sa kanya:



That is my cute hot choco cup over there. Hihihi. 

Ako na ang nagbayad sa kape ni Ate F at tsokolate ko dahil sa ibinigay niyang dahilan: Pupunta kasi siya ng Korea this February kaya ayaw niyang gumastos. Hmmp.

Understandable naman. She's a single mom, at yung byahe na yun ay gift niya sa sarili niya. Adik kasi siya sa mga Koreanovela. At ang gusto niya ay puntahan yung mga lugar kung saan na-shoot yung mga paborito niyang shows. Ang naisip ko nun, parang yung nangyayari ngayon sa La Presa ng Baguio City dahil sa 'Forevermore' na teleserye ng ABS-CBN.

Syempre, mega-update kami ni Ate F about sa mga chismis sa aming organisasyon. Sa mga umalis, pinaalis, at aalisin pa lang. Normal at hindi perpekto yung institusyong kinabibilangan namin, at kesa ma-badtrip about it, natutunan na lang namin ni Ate F na tawanan na lang 'yun at pag-kwentuhan over coffee. 

And there goes my very-productive, social Saturday.